Sampinit
nakakaing prutas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang sampinit[1][2][3], prambuwesas o raspberi ay isang nakakaing prutas ng maraming mga espesye ng halaman na nasa saring Rubus ng pamilyang rosas, na ang karamihan ay nasa kabahaging sari na Idaeobatus.[4] Ginagamit ding pantawag ang pangalan sa mga halamang ito. Perenyal o pangmatagalan ang mga sampinit at at may mga tangkay na makahoy.[5]

886,538 tonelada ang pandaigdigang produksiyon ng mga sampinit noong 2021, na pinangunahan ng Rusya na may 22% ng kabuuan.[6] Itinatanim ang mga sampinit sa hilagang Europa at hilagang Amerika at kinakain sa iba't ibang paraan, bilang buong prutas at sa mga minatamis, keyk, sorbetes, at likor.[7] Saganang mapagkukunan ang mga ito ng bitamina C, mangganiso, at hiblang pandiyeta.
Remove ads
Mga espesye

Kabilang sa mga halimbawa ng espesye ng sampinit na nasaRubus na subsaring Idaeobatus ang:
- Rubus crataegifolius (Koreanong sampinit)
- Rubus gunnianus (Alpinong sampinit ng Tasmanya)
- Rubus idaeus (pulang sampinit ng Europa)
- Rubus leucodermis (Kanluraning sampinit o sampinit na may puting balakbak, bughaw na sampinit, itim na sampinit)
- Rubus occidentalis (itim na sampinit)
- Rubus parvifolius (katutubong sampinit ng Australya)
- Rubus phoenicolasius (sampinit na pang-alak)
- Rubus rosifolius (sampinit ng Mawrisyo)
- Rubus strigosus (pulang sampinit ng Amerika) (singkahulugan: R. idaeus bar. strigosus)
- Rubus ellipticus (dilaw na sampinit ng Himalaya)
Ilan sa mga espesye ng Rubus na tinatawag ding sampinit na nakauri sa ibang mga kabahaging sari ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Rubus deliciosus (sampinit sa batuhan, subsaring Anoplobatus)
- Rubus odoratus (namumulaklak na sampinit, subsaring Anoplobatus)
- Rubus nivalis (pangniyebeng sampinit, subsaring Chamaebatus)
- Rubus arcticus (sampinit ng Artiko, subsaring Cyclactis)
- Rubus sieboldii (sampinit ng Molukas, subsaring Malachobatus)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads