Sappho
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Sappho (Sinaunang Griyego: Σαπφώ, romanisado: Sapphō) o Safo ng Lesbos (610 BK - 580 BK) ay isang babaeng manunula mula sa pulo ng Lesbos na nasa Dagat Egeo ng Sinaunang Gresya. Tanging si Sappho lamang ang nag-iisang babaeng manunula mula sa kanyang kapanahunan na naaalala sa ngayon.[1]
Remove ads
Talambuhay
Bahagya lamang ang nalalaman hinggil kay Sappho, subalit nalalamang nagmula siya sa isang marangal na mag-anak at tumanggap ng edukasyon. Nagkaroon siya ng isang anak na babaeng pinangalanang Cleis. Halos nakalimutan na siya sa loob ng ilang mga daantaon, ngunit naging tanyag siya noong kanyang sariling panahon kaya't inilagay ang kanyang wangis sa mga baryang pera at mga plorera. Ginaya ng maraming iba pang mga makata ang kanyang estilo sa pagtula.[1]
Remove ads
Mga akda
Karamihan sa mga gawa ni Sappho na mga sulat ang may kaugnayan sa mga tula ng pag-ibig na nakatuon sa iba pang mga kababaihan. Tinipon ang mga ito mula mga 300 BK magpahanggang 200 BK. Ngunit iilang mga piraso na lamang ang natira pagsapit ng ika-8 at ika-9 na mga daantaon.[1]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads