Sengiley

lungsod sa Rusya From Wikipedia, the free encyclopedia

Sengiley
Remove ads

Ang Sengiley (Ruso: Сенгиле́й) ay isang lungsod sa bansang Rusya. Ito ang sentrong administratibo ng Distrito ng Sengileyevsky[1][3] sa Ulyanovsk Oblast, Rusya, na makikita sa kanang bahagi ng Kuybyshev Reservoir, 72 kilometro (45 mi) timog ng Ulyanovsk, ang sentrong administratibo ng oblast. Populasyon: 6,958(Senso 2010);[2] 8,396(Senso 2002);[6] 10,366(Senso 1989).[7]

Agarang impormasyon Sengiley Сенгилей, Bansa ...
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ito noong 1666 bilang isang pantanggulang bantayan ng militar laban sa mga pananalakay ng mga lagalag. Paglaon, nabuo ang ilang mga sloboda sa paligid ng bantayang ito, at sa simula ng ika-18 dantaon sinama ang mga sloboda ng Stanichnaya, Butyrskaya, at Vybornaya sa nayon ng Pokrovskoye (Покро́вское), na ipinangalan sa Simbahan ng Namamagitan. Noong 1780, kinarta ito bilang lungsod ng Sengiley; na ipinangalan sa puwesto nito sa ilog na may kaparehong pangalan sa mga panahong iyon (ngayon ang Sengileyka na sangang-ilog ng Ilog Volga), na mula sa mga salitang Erzya na syang, nangangahulugang sangang-ilog at lei, na nangangahulugang ilog.[8]

Noong 1925, ibinaba ang katayuan ng Sengiley sa lokalidad rural, ngunit ginawaran ito ng katayuang pampamayanang uri-urbano sa kahulihan ng parehong taon. Muling binigyan ito ng panlungsod na katayuan noong 1943.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads