Sentriyol

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sentriyol
Remove ads

Ang isang sentriyol (Ingles: centriole) ay isang hugis silindrikong istraktura ng selula [1] na matatagpuan sa karamihan ng mga selulang eukaryotiko bagaman ito ay hindi umiiral sa mas mataas na mga halaman at karamihan ng fungi.[2] Ang mga pader ng bawat sentriyol ay karaniwang binubuo ng siyam na mga triplet ng mikrotubula. Ang mga paglihis mula sa istrakturang ito ay kinabibilangan ng mga embryo ng Drosophila melanogaster embryos na may siyam na doublet at mga selulang spermatozoa at maagang mga embryo ng Caenorhabditis elegans na may mga siyam na singlet.[3][4] Ang mga alimango ay maaaring magpakita ng siyam na doublet. Ang nauugnay na pares ng mga sentriyol na isinaayos ng perpendikular at napapalibutan ng isang amorposong masa ng siksik na materyal(ang materyal na perisentriyolar) ay bumubuo ng istraktuang compound na kilala bilang sentrosoma.[1]

Thumb
Tatlong dimensiyonal na histura ng sentriyol.
Thumb
Mga sentriyol mula sa karaniwang baybay dagat na alimangong hepatopancreas
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads