Sekuwensiya

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sekuwensiya
Remove ads

Sa loob-alaming paliwanag, ang isang datig (Ingles: sequence) ay isang "tala" ng mga bagay (na tinatawag na mulhagi o kadatig) kung saan maaari silang maulit at mahalaga ang pagkasunud-sunod. Sa pamamaraang pormal, maituturing ang isang datig bilang isang kabisa mula sa tangkas ng mga likas na bilang (o sa mas lahatang pagtuturing, sa interbal ng mga buumbilang) na nagtatakda ng bawa't kadatig sa isang bilang bilang pananda ng posisyon nito.[1] Karaniwang inilalagay sa panaklong ( ) ang mga mulhagi ng isang datig at itinatala batay sa pagkakasunud-sunod nila.

    Thumb
    Isang bahagi ng isang walang katapusang datig ng mga tunay na bilang (sa bughaw), na na-index ng isang likas na bilang . Ang pagkakasunud-sunod na ito ay hindi tumataas, bumababa, nagtatagpo, o Cauchy. Ito ay, gayumpaman, hinangganan ( ng mga pulang putol-putol na linya).

    Bilang paglalarawan, isang halimbawa ng datig ang (D, A, N, I , W), kung saan "D" ang unang kadatig at "W" naman ang huli. Sa mas tiyak na pamamaraan, ang datig na ito ay maituturing bilang sang kabisang f sa mga likas na bilang kung saan f (1) = D, f (2) = A, f (3) = N, f (4) = I at f (5) = W. Ang mga datig ay maaaring may katapusan, tulad ng sa mga binanggit sa itaas, o walang katapusan, tulad ng datig ng lahat ng tukol na likas na bilang (2, 4, 6, ...).

    Tinatawag na bilnuro ang kinaroroonan ng isang kadatig; o ang mga mulhagi ng saklaw (domain) ng kabisang f. Batay sa kumbensyon, karaniwang 0 o 1 ang itinatakdang bilang sa unang mulhagi. Sa sipnaying surian, madalas na tinutukoy ng mga titik gaya ng sa , at , kung saan ang subscript n ay tumutukoy sa ika-n mulhagi ng datig; halimbawa, ang ika -n mulhagi ng datig Fibonacci ay karaniwang tinutukoy bilang .

    Madalas na itinuturing ang walang-lamang datig ( ) bilang isang datig, nguni't minsan ay hindi ito isinasama batay sa konteksto.

    Remove ads

    Mga hanggan at paglapit

    Mga sanggunian

    Mga panlabas na kawing

    Loading related searches...

    Wikiwand - on

    Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

    Remove ads