Setyembre
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Setyembre o Septyembre ang ika-9 na buwan sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. May 30 araw ang naturang buwan.
1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | |
7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |
14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 |
21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 |
28 | 29 | 30 |

Ang Setyembre sa Hilagang Emisperyo at Marso sa Katimugang Emisperyo ay magkatumbas sa panahon.
Sa Hilagang Emisperyo, nagsisimula ang meteorolohikal na taglagas tuwing Setyembre 1. Sa Katimugang Emisperyo naman, nagsisimula ang meteorolohikal na tagsibol sa parehong araw, Setyembre 1.[1]
Sa Simbahang Silangang Ortodokso, ang Setyembre ang simula ng taon sa kalendaryong panrelihiyon. Ito rin ang simula ng taong pampaaralan sa maraming bansa sa Hilagang Emisperyo, kung saan ang mga bata ay bumabalik sa paaralan matapos ang bakasyon sa tag-init—minsan ay sa unang araw pa lamang ng buwan. May ilang ipinapanganak na Virgo at Libra sa buwan ng Setyembre—ang mga Virgo ay mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 22, samantalang ang mga Libra ay mula Setyembre 23 hanggang Setyembre 30.
Ang Setyembre (mula sa Latin na septem, na nangangahulugang "pito") ay orihinal na ikapitong buwan sa pinakamatandang kalendaryong Romano na kilala—ang kalendaryo ni Romulo noong mga 750 BC—kung saan ang Marso (Martius sa Latin) ang unang buwan ng taon, hanggang sa mga bandang 451 BC.[2] Pagkatapos ng reporma sa kalendaryo na nagdagdag ng Enero at Pebrero sa simula ng taon, naging ikasiyam na buwan ang Setyembre subalit nanatili ang pangalan nito. Noon ay mayroon lamang itong 29 na araw hanggang sa repormang Huliyano na nagdagdag ng isang araw.
Remove ads
Astronomiya at astrolohiya
Sa buwang ito nagaganap ang ekinoksiyo ng Setyembre, at may ilang mga pagdiriwang na iniuugnay dito. Ito ang ekinoksiyo ng taglagas sa Hilagang Emisperyo at ekinoksiyo ng tagsibol sa Katimugang Emisperyo. Ang mga petsa ay maaaring mula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-24 ng Setyembre (sa UTC).
Karamihan ng Setyembre ay kabilang sa ikaanim na buwan ng kalendaryong pang-astrolohiya (at ang unang bahagi ng ikapito), na nagsisimula sa katapusan ng Marso/Mars/Aries.
Remove ads
Mga simbolo

Ang batong kapanganakan ng Setyembre ay sapiro. Ang mga bulaklak na kaugnay nito ay ang forget-me-not, luwalhati sa umaga (o morning glory), at aster.[3][4] Ang mga tandang sodyak ay Virgo (hanggang Setyembre 22) at Libra (mula Setyembre 23).[5][6]

Mga pagdiriwang
Nailipipat
Unang Biyernes
- Araw ng Paggawa (Kapuluang Marshall)
- Araw ng mga Guro (Singapore)
Ikalawang Linggo
Ikatlong Sabado
- Araw ng Malayang Software (Pandaigdigang pagdiriwang)
Nakapirmi
- Setyembre 5
- Pandaigdigang Araw ng Kawanggawa
- Setyembre 8
- Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria (Simbahang Katolikong Romano), (Anglo-Katolisismo)
- Setyembre 9
- Araw ng mga Bata (Costa Rica)
- Setyembre 10
- Pandaigdigang Araw ng Pag-iwas sa Pagpapakamatay
- Setyembre 14
- Setyembre 15
- Araw ng Kalayaan (Guatemala, El Salvador, Honduras, Nicaragua, at Costa Rica)
- Setyembre 25
- Pambansang Araw ng Kabataan (Nauru)
- Setyembre 27
- Pandaigdigang Araw ng Turismo
- Setyembre 28
- Pambansang Araw ng Kamalayan at Pagkakaisa laban sa Pornograpiya ng Bata (Pilipinas)
- Araw ng mga Guro (Taiwan at mga paaralang Tsino-Pilipino sa Pilipinas)
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads