Shariff Saydona Mustapha
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Maguindanao del Sur From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Shariff Saydona Mustapha, opisyal na Bayan ng Shariff Saydona Mustapha, ay isang ika-6 na klaseng bayan sa lalawigan ng Maguindanao del Sur, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, mayroon itong populasyon na 50,018 katao.
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Remove ads
Etimolohiya
Ipinangalan ang bayan mula kay Shariff Saydona Mustapha, isang misyonaryong Arabe mula Meka at amain ni Shariff Kabungsuwan ng Johore, ang unang Sultan ng Maguindanao, sa panig ng ama. Dumating siya sa kalupaang Mindanao noong kalagitnaan ng ika-15 dantaon. Siya ay ninuno ng mga angkang Ampatuan, Mangacop, Masukat, at Sangki ng Maguindanao.
Kasaysayan
Itinatag ang Shariff Saydona Mustapha buhat sa 4 na mga barangay mula sa bayan ng Shariff Aguak, 4 na kabuoang mga barangay at isang bahagi ng isang barangay mula sa Mamasapano, 2 mga barangay mula sa Datu Unsay, isang barangay mula sa Datu Piang, at 3 kabuoang mga barangay at isang bahagi ng isang barangay mula sa Datu Saudi-Ampatuan sa pamamagitan ng Batas Awtonomiya ng Muslim Mindanao Blg. 225[3] (inemyendahan ng Batas MMAA Blg. 252), na pinagtibay sa isang plebisitong ginanap noong Hulyo 30, 2009.
Remove ads
Mga barangay
Ang bayan ng Shariff Saydona Mustapha ay nahahati sa 16 mga barangay.
- Bakat
- Dale-Bong
- Dasawao
- Datu Bakal
- Datu Kilay
- Duguengen
- Ganta
- Inaladan
- Libutan
- Linantangan
- Nabundas
- Pagatin
- Pagatin (Pagatin I)
- Pamalian
- Pikeg
- Pusao
Demograpiko
Klima
Remove ads
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads

