Arnibal

From Wikipedia, the free encyclopedia

Arnibal
Remove ads

Ang arnibal, sirup, o harabe (Kastila: almibar o arnibar; Ingles: syrup) ay isang uri ng makapal at malapot na pulot na nagagawa sa pamamagitan ng pagpapakulo ng asukal sa tubig.[1]

Thumb
Ang arnibal.

Sa panggagamot

Kahalagahan

Nagagamit ang arnibal, dahil sa laman nitong asukal o pulot-pukyutan, sa pagtitinggal o pagpepreserba ng mga inpusyon at mga dekoksyon. Kabilang pa sa mga maiinam na katangian nito ang pagiging nakapagpapaginhawa ng pakiramdam (partikular na ang pulot-pukyutan), nakapagkukubli ng hindi kaayaayang lasa ng yerba, at nagagamit na pampalasa sa mga gamot na pambata.[2]

Mga sangkap

Sa paghahanda ng arnibal na may halamang-gamot, gumagamit ng hinandang 500 ml na inpusyon o dekoksyon, at 500 mga gramo ng pulot-pukyutan o kaya hindi repinadong asukal.[2]

Mga kagamitan

Gumagamit sa pagluluto nito ng mga kasangkapang maliit na kawali, kahoy na kutsara, boteng may madilim na salamin at may mga tapon para sa pag-iimbak, at ang maaaring walang embudo. Mahalaga ang mga pantakip na tapon, sa halip na naiikot o natuturnilyong mga takip, dahil kalimitang pumasasailalim sa proseso ng permentasyon o pag-alsa ang mga arnibal. Nakasasanhi ng pagsambulat o pagsabok ng boteng may takip na umiikot ang permentasyon.[2]

Paghahanda

Sa pagluluto at paghahanda, pinapainit ang 500 ml na inpusyon o dekoksyon sa isang maliit na kawali. Dinaragdagan ito ng 500 mga gramong pulot-pukyutan o hindi repinadong asukal. Paminsan-minsang hinahalo ito hanggang sa matunaw. Pagkaraan, pinababayaan lumamig ang arnibal. Pagkalamig, ibinubuhos ito sa isang boteng may madilim na salamin. Tinatakpan ito ng tapon.[2]

Pag-inom

Sa pag-inom, sapat na 5 hanggang 10 ml, tatlong ulit sa loob ng isang araw.[2]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads