Stuttgart
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Stuttgart ay isang lungsod sa Alemanya. Ito ang kabisera ng Estado ng Baden-Württemberg ng Alemanya, na nasa ilog ng Neckar at may 590,000 naninirahang mga tao. Sa kasalukuyan, ang Stuttgart ang ika-6 sa pinakamalalaking mga lungsod sa Alemanya. Ang Rehiyong Stuttgart ang ikatlong pinakamalaking rehiyon ng bansa. Nahahati ang lungsod sa 23 distritong panglungsod. Ito rin ang tahanan ng dalawang kompanyang gumagawa ng mga kotse: ang Mercedes-Benz at Porsche.
Remove ads
Kasaysayan
Noong 2006, naging "palauran" ng World Cup 2006 o Kopa ng Mundo ng 2006 ang Stuttgart. Mayroong 590,000 kataong naninirahan sa loob ng hangganan ng lungsod. Ito ang ika-6 na pinakamalaking pagkaraan ng Berlin, Hamburg, Munich, Cologne, at Frankfurt am Main. Ayon sa pagtataya noong 2005, nagkaroon ang urbanong pook ng Stuttgart ng nasa pagitan ng 1,238,000 at 1,250,000 mga naninirahan. Sa ngayon, mayroong 1,261,000 mga taong naninirahan sa urbanong pook ng Stuttgart, habang 1,495,000 naman ang namumuhay sa mas malawak na urbanong pook (ayon sa pagtataya noong 2008). Nasa 2,700,000 mga katao ang nasa metropolitanong pook at nasa mga 3,460,000 naninirahan ang rehiyong metropolitano ng Stuttgart.
Remove ads
Larawan

Sanggunian
Panlabas na mga kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads