Sumasampalataya Ako
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang "Sumasampalataya Ako" o ang Kredong Apostóliko (Latín: Symbolum Apostolorum o Symbolum Apostolicum) ay sinaunang pagpapahayag ng paniniwalang Kristiyano, isang kredo. Bahagi rin ito sa pagdarasal ng rosaryo.[1]
Teksto sa Tagalog
Ito ang nilalaman ng dasal na ito:[2]
(Ang mga bilang na nakalagay ay ayon sa tradisyonal na bilang ng Katesismo ng Simbahang Katoliko.)
- Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawâ ng langit at lupa.
- Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat.
- Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
- Pinagpakasakit ni Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing.
- Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-ulî.
- Umakyat sa langit, náluluklók sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
- Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
- Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo,
- sa banal na Simbahang katólika;
- sa kasamahan ng mga Banal;
- Sa kapatawaran ng mga kasalanan,
- Sa pagkabuhay na mulî ng nangamatay na tao,
- At sa buhay na walang-hanggán. Amen.
Remove ads
Mga sanggunian
Silipin Din
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads