Sungay ng Aprika

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sungay ng Aprika
Remove ads

Ang Sungay ng Aprika ay isang malaking tangway at rehiyong heopolitikal sa Silangang Aprika.[1] Matatagpuan sa pinakasilangang bahagi ng kalupaang Aprika, ito ang ikaapat na pinakamalaking tangway sa mundo. Binubuo ito ng Somalya (kabilang dito ang Somalilandiya at Puntlandiya na de-paktong malaya), Hiboti, Etiyopiya, at Eritrea.[2][3] Bagama't hindi karaniwan, kasama sa mas malawak na kahulugan ang mga bahagi o lahat ng Kenya at Sudan.[4][5][6] Nailarawan ito bilang rehiyon na may kahalagahan sa heopolitika at estratehiya, dahil namamalagi ito sa katimugang hangganan ng Dagat Pula; umaabot ng daan-daang kilometro patungo sa Golpo ng Aden, Dagat-lagusan ng Guardafui, at Karagatang Indiyo, nakikibahagi rin ito ng hangganang-dagat sa Tangway ng Arabya.[7][8][9][10]

Agarang impormasyon Mga bansa, Mga kabisera ...

Ito ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 2,000,000 km2 (770,000 sq mi) at pinaninirahan ng halos 115 milyong tao (Etiyopiya: 96.6 milyon, Somalya: 12.3 milyon, Eritrea 6.4 milyon, at Hiboti: 0.81 milyon).

Remove ads

Mga pangalan

Kilala ang tangway sa iba't ibang pangalan. Tinukoy ito ng mga Sinaunang Griyego at Romano bilang Regio Aromatica o Regio Cinnamonifora dahil sa mga masamyong halaman na natagpuan doon, o bilang Regio Incognita dahil sa mga teritoryo nito na wala pa sa mapa noon. Sa mga sinauna at medyebal na panahon, tinukoy ang Sungay ng Aprika bilang Bilad al Barbar ("Lupain ng mga Berber").[11][12][4] Kilala rin ito bilang Tangway Somali, o sa wikang Somali, bilang Geeska Afrika o Jasiiradda Soomaali.[13] Sa mga ibang lokal na wika, tinatawag itong "Sungay ng Aprika" o "Aprikanong Sungay", የአፍሪካ ቀንድ yäafrika qänd sa wikang Amhariko, القرن الأفريقي al-qarn al-'afrīqī sa wikang Arabe, Gaanfaa Afrikaa sa wikang Oromo, at ቀርኒ ኣፍሪቃ q'ärnī afīrīqa sa wikang Tigrinya.[14][15]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads