Talon ng Pagsanjan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Talon ng Pagsanjanmap
Remove ads

Ang Talon ng Pagsanjan, kilala rin bilang Cavinti Falls (katutubong pangalan: Talon ng Magdapio) ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan.[1][2] Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894.[3] Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).[4]

Agarang impormasyon Pagsanjan Falls, Lokasyon ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads