Taylor Swift
Amerikanong mang-aawit From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Taylor Alison Swift (ipinanganak noong 13 Disyembre 1989) ay isang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta at aktres. Marami na siyang naisulat na kanta, tungkol ito sa sarili niyang buhay at nagkamit ito ng iba't ibang parangal. Ipinanganak siya sa West Reading, Pennsylvania, lumipat si Swift sa Nashville, Tennessee, sa edad na 14 upang maging isang mang-aawit ng musikang country. Nilagdaan niya ang ATV Music Publishing noong 2004 at Big Machine Records noong 2005, na pinag-uusapan na kumpanya hanggang ngayon. Ang kanyang unang album noong 2006 ay ginawa siyang kauna-unahang babaeng mang-aawit ng musikang country na nagsulat o nag-kasamang sumulat ng isang US platinum-certified album nang buo.
![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Noong Septiyembre 20, 2006 nagsimula siyang mag-publish ng kanyang musika sa YouTube, at noong oktubre 2023, umabot na sa 54.5 milyong subscriber ang kanyang channel sa YouTube at nakakuha ng kabuuang 31.3 bilyong panonood ng video.[1]
Ang susunod na album ni Swift, Fearless (2008) at Speak Now (2010), ay ginalugad ang country pop. Ang "Love Story" at "You Belong with Me" ng dating ay ang mga unang kantang country na ayon sa pagkakabanggit ay nangunguna nito sa mga tsart sa buong Estados Unidos. Sumubok niya ang mga istilong rock at elektroniko para sa kanyang Red (2012), na itinampok ang kanyang unang pangunahing kanta sa Billboard Hot 100 na "We Are Never Ever Getting Back Together", at iniiwasan ang kanyang pagkakakilanlan sa musikang country para sa kanyang synth-pop album na 1989 (2014), na sinusuportahan ng mga kantang nangunguna sa tsart na "Shake It Off", "Blank Space", at "Bad Blood". Ang Reputation (2017) ay tungkol sa pagsisiyasat sa kanya ng media at pangunahing single nitong "Look What You Made Me Do".
Paglabas ng Big Machine, pumirma si Swift sa Republic Records noong 2018 at inilabas ang kanyang ikapitong studio album na Lover (2019), na sinusundan ng dokumentaryong sariling-talambuhay na Miss Americana (2020). Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, lumipat siya sa indie folk at alternatibong rock para sa kanyang mga album na Folklore at Evermore noong 2020, na kasama ang mga single nito na "Cardigan" at "Willow" ay nanguna sa Hot 100. Sinimulan ni Swift na muling i-record ang kanyang unang anim na album pagkatapos ng pagtatalo sa kanyang mga album, na muling inilabas noong 2021 na Fearless (Taylor's Version) at Red (Taylor's Version). Ang "All Too Well (10 Minute Version)" ng huli ay naging pinakamahabang kanta na nangunguna sa Hot 100. Pagkatapos ng ilang buwan, inilabas niya ang kanyang ikasampung album na Midnights (2022) at ang single nito ay "Anti-Hero," na nagkaroon ito ng maraming tagapakinig sa album sa pamamagitan ng Spotify at Apple Music. May mga music video at pelikula na dinedirekta ni Swift, gaya ng All Too Well: The Short Film (2021), at gumanap ng mga pansuportang bahagi sa iba pang mga pelikula.
Remove ads
Maagang Buhay
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. (Nobyembre 2022) |
Ipinanganak si Swift noong 13 Disyembre 1989 sa Pennsylvania. Siya ang anak nina Andrea Gardner (née Finlay), isang maybahay, at ni Scott Kingsley Swift, isang stockbrocker. Ang kanyang lola, si Majorie Finlay, ay isang mang-aawit sa opera. Mayroong nakababatang kapatid si Swift, si Austin.
Noong nasa ika-apat na baitang si Swift ay nanalo siya sa isang patimpalak sa pagsulat ng tula gamit ang “Monster In My Closet” na tatlong pahina. Sa edad na 10, tinuruan siya ng isang taga-ayos ng kompyuter ng 3 chords ng gitara na nagpasimula sa kanyang interes sa naturang instrumento. Pagkatapos ay isinulat ni Swift ang kanyang unang kanta na “Lucky You”. Noong siya ay 12 taong gulang, tinuon niya ang kanyang pansin sa pagsusulat ng isang nobelang may 350 pahina na nananatiling hindi nakalimbag. Nagsimula siyang magsulat ng mga awitin ng madalas bilang representasyon ng kanyang emosyon. Nagsimula rin siyang sumali sa mga patimpalak.
Madalas na din siyang bumisita sa Nashville, Tennessee at nakatrabaho ang mga lokal na manunulat ng kanta. Noong siya’y 14, lumipat ang kanyang pamilya sa Nashville.
Nag-aral si Swift sa Hendersonville High School ngunit na-homeschool din siya para sa kanyang mga huling taon. Noong 2008, nakuha niya ang kanyang diploma sa high school.
Si Shania Twain ang pinakamalaking impluwensiya sa larangan ng musika kay Swift. Ang iba pa ay sina LeAnn Rimes, Tina Turner, Dolly Parton, at ang lola ni Swift.
Remove ads
Karera sa Musika
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. (Nobyembre 2022) |
Noong una palang ay mahilig ng kumanta si Taylor Swift. Ngayon ay mayroon siyang labing-isang (11) album. Ito ay ang Taylor Swift (album), Fearless, Speak Now, Red, 1989, Reputation, Lover, Folklore, Evermore, Midnights at The Tortured Poets Department.
2005: Pagsisimula
Sa edad na 6, pumunta si Swift sa Nashville upang makakuha ng isang record deal gamit ang demo tape ng kanyang pagkanta ng mga awitin sa karaoke. Nagbigay siya ng kopya sa lahat ng kompanya sa bayan ngunit hindi siya nakuha. Pagkatapos bumalik ni Swift sa Pennsylvania, siya ang pinakanta sa U.S. Open tennis tournament pambansang awit kung saan nakakuha ng positibong reaksiyon ang kanyang bersyon. Pagkatapos magtanghal sa The Bluebird Café, isang tagpuan ng mga manunulat ng kanta sa Nashville, nakuha niya ang atensiyon ni Scott Borchetta at isinama siya sa bagong record label na Big Machine Records. Sa edad na 14, siya ang pinakabatang manunulat ng kanta ng Sony/ATV Tree Publishing House.
2006–08: Taylor Swift
Inilabas ni Swift ang kanyang pangunahing kanta na “Tim McGraw” noong kalagitnaan ng 2006 at iniranggo ito na pang-anim sa Billboard magazine’s Hot Country Songs chart. Ang kanyang album na “Taylor Swift" ay inilabas noong 24 Oktubre 2006. Sa unang linggo nito ay bumenta ito ng 39,000 na kopya. Ito ay nanguna sa Billboard Top Country Albums at panglima naman sa Billboard 200. Nanguna ang kanyang album ng walong sunod-sunod na linggo sa Top Country Album charts at nanatili sa ibabaw ng 24 sa 91 na linggo. Ang music video ng “Tim McGraw” ay nanalo ng Breakthrough Video of the Year Award sa 2007 CMT Music Awards. Inilabas niya ang kanyang pangalawang kanta sa Taylor Swift na “Teardrops on My Guitar” noong 24 Pebrero 2007. Sa kalagitnaan ng 2007, umabot ang kanta sa pangalawang pwesto sa Billboard’s Hot Country Songs chart at pangtatlumputtatlo naman sa Billboard Hot 100. Noong Oktubre 2007, ginawaran si Swift ng Songwiter/Artist of the Year ng Nashville Songwriters Assn. Intl., siya ang pinakabatang artista na nakakuha ng gantimpala.
Ang pangatlong kanta “Our Song” ay nanguna sa Country Charts sa loob ng anim na linggo, panglabing-anim sa Billboard Hot 100 at umakyat sa pangdalawamput-apat na pwesto sa Billboard Pop 100. Nagkaroon din siya ng holiday album, Sounds of the Season: The Taylor Swift Holiday Collection noong katapusan ng 2007. Nahalal din si Swift sa 2008 Grammy Award bilang Best New Artist ngunit natalo siya kay Amy Winehouse. Ang “Picture to Burn” ang pang-apat na kanta sa kanyang album. Sa paglabas nito ay umabot ito sa pangatlong pwesto sa Billboard Country chart sa tagsibol ng 2008.
Ang “Should’ve Said No” ang pangalawang kanta ni Swift na kumuha ng unang pwesto. Sa tag-init ng 2008, inilabas ni Swift ang “Beautiful Eyes” isang EP na mabibili lang sa Wal-Mart. Sa unang linggo nito, nakabenta ang album ng 45,000 na kopya at nanguna sa Billboard’s Top Country Albums chart at pangsiyam naman sa Billboard 200. Kasama ng album niyang Taylor Swift na pumangalawa sa pwesto sa parehong linggo, siya ang unang artista mula 1997 na makuha ang una at pangalawang pwesto sa Top Country Albums Chart.
2008–2010: Fearless at Kontrobersiya sa MTV VMA
Ang pangalawang album ni Swift na Fearless ay inilabas sa Estados Unidos noong Nobyembre 2008. Nanguna ang nasabing album sa Billboard 200 Album Chart. Ang nabenta nitong 592,304 ang pinakamataas na paglabas ng album ng isang country artist noong 2008. Ito din ang pinakamataas na paglabas ng album ng isang babaeng artista sa lahat ng genre ng musika. Ang pangunang kanta nito na “Love Story” ay pumatok sa country at pop charts. Sa ikawalong linggo mula nang ito’y ilabas, ang Fearless ay nakabenta na ng mahigit 338,467 na downloads. Sa unang linggo nito ay pito sa kanta ng Fearless ay nasama sa Billboard 100. Ang “White Horse” na nakakuha ng panglabintatlong pwesto, ang nagbigay kay Swift ng kanyang pang-anim na top 20 debut of 2008. Sa 13 kanta sa Fearless, 11 ang nanatili sa Hot 100. Ang “Change” ay napili na isama sa soundtrack ng Team USA sa 2008 Summer Olympics.
Ang pangunang kanta ng album na “Love Story” na nakabase sa Romeo and Juliet ay inilabas noong 12 Setyembre 2008. Ang pangalang kanta naman na “White Horse” ay inilabas noong 8 Disyembre 2008. Ang kantang “Forever and Always” ay tungkol sa relasyon nila ni Joe Jonas. Siya ang unang artista sa kasaysayan ng Nielsen SoundScan na magkaroon ng dalawang magkaibang album sa Top 10 sa Year End Chart. Sa kalagitnaan ng Enero 2009, si Swift ang unang county artist na nanguna sa 2 million mark paid in downloads sa pamamagitan 3 kanta. Si Swift ang Billboard’s Top Country Artist at Hot Country Songwriter of 2008; siya rin ang may pinakamataas na benta sa larangan ng country music. Noong Enero 2009, inanunsyo ni Swift ang kanyang Fearless Tour sa Hilagang Amerika. Noong 8 Pebrero 2009, kinanta niya ang “Fifteen” kasama si Miley Cyrus sa 51st Grammy Awards. Mula noong katapusan ng Pebrero, ang kanyang kanta na “Love Story” ang may pinakamataas na bilang na na-download sa kasaysayan. Nilabas din niya ang kantang “Crazier” na kasama sa pelikulang “Hannah Montana: The Movie”. Sa 44th Annual Academy of Country Music Awards, nasungkit ni Swift ang Album of the Year bilang artista at prodyuser ng Fearless. Siya ang pinakabatang artistang nakakuha ng gantimpalang ito.
Noong gabi ng 2009 MTV Video Music Awards ay napanalunan niya ang Best Female Video para sa “You Belong With Me”. Habang siya’y nagsasalita, sumabat si Kanye West at inagaw ang mikropono sa kanya. Ayon kay West ay mas karapatdapat si Beyonce na parangalan ng Best Female Video para sa kanyang “Single Ladies (Put a Ring on It). Ang nasabing pangyayari ay nakatanggap ng mga negatibong komento at reaksiyon mula sa mga manonood. Nang tanggapin ni Beyonce ang Best Video of the Year ay tinawag niya si Swift upang tapusin ang kanyang pasasalamat. Pagkatapos ng gabing iyon, humingi ng paumanhin si West kay Swift at tinanggap naman niya ito. May Noong 11 Nobyembre 2009, si Swift ang pinakabatang artista na nakakuha ng Country Music Association Award para sa Entertainer of the Year at ang isa sa anim na babae na nakatanggap nito.
2010–2012: Speak Now
Inilabas ni Swift ang kanyang bagong album na Speak Now noong 25 Oktubre 2010. Siya mismo ang sumulat ng lahat ng kanta kasama si Nathan Chapman bilang isa pang prodyuser. Ang pangunahing kanta nito na “Mine” ay nailabas sa internet na nagresulta sa desisyon ang Big Machine Records na agahan ang labas ng kanta upang talunin ito. Dinaluhan niya ang 44th Annual Country Music Awars noong 10 Nobyembre 2010. Noong 2011, binisita ni Swift ang Singapore para sa kanyang Asian Tour. Ang Hong Kong ang huling destinasyon ng kanyang Speak Now World Tour at pagkatapos ay sisimulan naman niya ang kanyang European at American Tour. Noong 2010, nakabenta na si Swift ng 4,470,000 album sa Estados Unidos at 9.9 milyon digital tracks.
Remove ads
Istilo sa Pagsulat
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. (Nobyembre 2022) |
Mala talambuhay ang kanyang mga kanta. Halimbawa nito ay ang “Forever and Always” tungkol sa relasyon nila ni Joe Jonas. Ang “Fifteen” ay tungkol sa unang taon niya sa high school. Sinabi din niya na gusto niyang makaugnay ang kanyang mga tagahanga. Dahil sa mala talambuhay na katangian ng kanyang mga kanta, ang iba niyang tagahanga ay sinaliksik ang pinagmulan ng kanyang mga kanta.
Ibang Trabaho
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. (Nobyembre 2022) |
Pag-arte
Nagsimula ang kanyang pag-arte sa music video ni Brad Paisley na “Online”. Noong 5 Marso 2009 naman, lumabas siya sa CSI: Crime Scene Investigation bilang Haley Jones. Noong 2010 naman, lumabas siya sa pelikulang Valentine’s Day bilang si Felicia. Napanalunan niya ang Teen Choice Award for Movie Female Breakout dahil sa kanyang karakter. Siya din ang boses ni Audrey sa animated film na “The Lorax” na ilalabas sa 2012.
Paninda
Si Swift ang mukha ng L.E.I Jeans simula 2008. Noong 2009, siya ang naging pinakabagong celebrity spokesperson ng National Hockey League.
Kawang-gawa
Noong 21 Setyembre 2007, tumulong si Swift helped sa kampanya upang maprotektahan ang kabataan laban sa online predators. Kasama niya si Tennessee Governor Phil Bredesen upang labanan ang internet sex crimes. Sa simula ng 2008, binigay niya ang isang rosas na Chevy pick-up truck sa children’s charity na Victory Junction Gang. Binigay din niya ang lahat ng kinita mula sa mga paninda ng 2008 Country Music Festival sa Red Cross, sa Nashville Area Red Cross Disaster Relief Fund at sa National American Red Cross Disaster Relief Fund. Nagbigay din siya ng $100,000 sa Red Cross sa Cedar Rapids, Iowa upang matulungan ang mga biktima ng baha noong 2008. Noong kanyang kaarawan, nagbigay din siya ng $250,000 sa iba’t ibang paaralan sa bansa na napasukan niya. Binigay din niya ang kanyang sapatos na may pirma niya sa Wish Upon a Hero Foundation's Hero in Heels na isang subasta upang makalikom ng pera para sa mga kababaihang may kanser. Noong 2010, nagbigay siya ng $500,000 upang matulungan ang mga biktima ng baha sa Tennessee.
Remove ads
Personal na Buhay
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. (Nobyembre 2022) |
Noong 2008, nagkaroon ng relasyon si Swift kay Joe Jonas na natapos din ng taong iyon. Noong 2009, nakarelasyon naman niya ang aktor na si Taylor Lautner. Pinag-usanpan na ang kantang “Back to December” ng kanyang album na Speak Now ay tungkol kay Lautner. Sa katapusan ng 2010, nagkaroon sila ng maikling relasyon ng aktor na si Jake Gyllenhaal. Naghiwalay din sila noong simula ng 2011.
Remove ads
Mga nominasyon at parangal
Ang American singer-songwriter na si Taylor Swift ay nakatanggap ng maraming mga parangal at nominasyon para sa kanyang gawain sa musika. Nag-sign si Swift ng isang record deal sa Big Machine Records noong 2005 at pinakawalan ang kanyang self-titled debut studio album noong 2006,[kailangan ng sanggunian] na hinirang para sa isang Academy of Country Music Award . Sa ika - 50 Taunang Grammy Awards, nakakuha siya ng isang Best New Artist nominasyon. Ang kanyang pangalawang album sa studio na Walang takot (2008) ay gumawa ng limang mga pag-iisa, kasama ang "Love Story ", " White Horse ", at ang MTV Video Music Award para sa Pinakamagandang Babae na Video -winning na kanta na " You Belong with Me ". Si Swift ay kasunod na hinirang para sa walong kategorya sa ika- 52 Taunang Grammy Awards at nanalo ng apat sa kanila, kasama na ang Album ng Taon . Sa edad na dalawampu't, siya ay naging bunsong tatanggap ng award, isang tala na hawak niya sa labing isang taon bago siya nalampasan ni Billie Eilish (may edad na 18) sa 2020 . Walang takot ang naging unang album na nanalo ng American Music Country Award, Country Music Association, Academy of Country Music Award, at Grammy Award para sa Album ng Taon.[kailangan ng sanggunian]
Iba pang mga parangal
Remove ads
Mga pananda
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads