Teresa Magbanua
unang babaeng mandirigma sa Panay From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Teresa Magbanua (Oktubre 13, 1868 – Agosto 1947) ay ang unang babaeng mandirigma sa Panay at tanyag bilang "Joan of Arc of the Visayas." Sya ay guro at pinuno ng militar.[1] Ang natatanging babaeng heneral tulad ni Reyna Sima, Prinsesa Urduja at Gabriela Silang ay pinatunayan na ang mga babae ay may angking tibay ng puso at katapangan at handang maghandog man ng buhay kung kinakailangan.
Pangalawa sya sa walong anak ni Juan Magbanua at Alejandra Ferraris, mga kinilala at nabibilang sa mabuting angkan sa kanilang bayan. Ang kakayahang mamuno, lakas ng loob at kagitingan ng babae ay ilan lamang sa mga katangian na naipakita ni Teresa. Ang mga kalaro nya lamang ay mga batang lalaki. Sa kanyang bayan sya nag-elementarya at sa Jaro,Iloilo sya nag-high school at nag-kolehiyo. Bumalik sya sa kanyang bayan at doon ay nagsilbing isang guro at isang magsasaka, tumigil sya sa pagtuturo at tumulong na lang sya sa asawa nya sa gawain sa bukid. Nang sumiklab ang digmaan, nagtungo sya sa kampo ng mga naghihimagsik na pinamunuan ni Heneral Perfecto Poblador upang umanib.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads