Teresita Castillo

Pilipinong relihiyoso From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Si Teresita "Teresing" Lat Castillo (Hulyo 24, 1927 – Nobyembre 16, 2016) ay isang Pilipinang nobisyada na sinasabing 19 na ulit na pinagpakitaan ng Birheng Maria sa Lipa, Pilipinas noong 1948.[1]

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...

Nagmula sa kilaláng angkan ng Tanauan, Batangas si Teresita. Siya ang pinakabata sa pitong magkakapatid. Ang kanilang amang si Modesto Castillo ay ang gobernador ng naturang lalawigan noong 1922–1930 at hukom ng Hukuman ng Pagsasamahang Industriyal noong panahon ng mga aparisyon;[2] samantala ang kanilang ina naman ay si Amanda Lat.

Noong Hulyo 24, 1948 sa kaniyang ika-21 kaarawan, tumakas si Teresita sa kanilang bahay upang pumasok sa kumbento ng mga Carmelita sa Lipa. Hindi katanggap-tanggap sa kaniyang pamilya ang kaniyang naging desisyong pumasok sa kumbento, at pilit siyang hinikayat sa iba't-ibang pamamaraan upang siya'y lumabas. Nanindigan si Teresita at pinili pa rin niyang manatili sa kagustuhan niyang maging nobisyo.

Remove ads

Aparisyon sa Lipa

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads