Tian Shan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Tian Shanmap
Remove ads

Ang Tian Shan,[1] na nangangahulugang "Bundok ng Langit" ("Mountain of Heaven" o "Heavenly Mountain"), ay isang malaking sistema ng mga hanay ng bundok na matatagpuan sa Gitnang Asya. Ang pinakamataas na rurok sa Tian Shan ay Jengish Chokusu, 7,439 metro (o 24,406 piye).

Agarang impormasyon Pinakamataas na punto, Tuktok ...

Ang pangalang Intsik para sa Tian Shan ay maaaring nakuha mula sa salitang Xiongnu na "Qilian" (Tsinong pinapayak: 祁连; Tsinong tradisyonal: 祁連; pinyin: Qí lián) – ayon sa komentarista ng Tang na si Yan Shigu, ang Qilian ay ang salitang Xiongnu para sa "kalangitan" o "langit".[2] Binanggit ni Sima Qian sa kanyang Records of the Grand Historian ang Qilian kaugnay sa lupang tinubuan ng Yuezhi, at ang katawagan ay pinaniniwalaang tumutukoy sa Tian Shan sa halip ng Bulubunduking Qilian na 1,500 kilometro (930 mi) sa karagdagang silangan na kilala ngayon sa pangalang ito.[3][4] Ang Bulubunduking Tannu-Ola sa Tuva ay may parehong kahulugan sa pangalan nito ("langit / celestial bundok" o "diyos / espiritu bundok"). Sagrado ang Tian Shan sa Tengrismo, at ang pangalawang pinakamataas na rurok ay kilala bilang Khan Tengri na maaaring isalin bilang "Panginoon ng mga Espiritu".[5]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads