Titi

bahaging pamparami ng mga lalaking hayop From Wikipedia, the free encyclopedia

Titi
Remove ads

Ang titi (Ingles: penis) ay isang panghaynayang bahagi ng mga lalaking hayop kabilang ang parehong mga may-gulugod at walang gulugod. Ito ay isang pamparami at intromitentong organo na karagdagang nagsisilbi bilang daluyan ng ihi sa mga mamalyang may inunan. Ang pagkakaiba ng titi ng ibang mga mamalya na kinabibilangan ng mga sinaunang gaya ng bakulaw at matsing sa titi ng tao ang pag-iral ng baculum, isang buto ng titi sa mga mamalya na hindi makikita sa mga tao. Ang bahaging ito ay pinaniniwalaang umunlad[a] sa simula ng pag-unlad ng mga mamalya ngunit nawala sa pag-unlad ng tao.[1]

Thumb
Mga titi ng iba't ibang espesye ng mga hayop na hindi tao.

Binigyang kahulugan nina Morton G. Harmatz at Melinda A. Novak ang titi sa kanilang aklat na Human Sexuality bilang parang palawit at parang pamalo na organong panlalaki na ginagamit sa siping at sa pagtatanggal ng ihi at duming nasa ihi.[2]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga pananda

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads