Tokyo

kabisera at pinamalaking lungsod ng Hapon From Wikipedia, the free encyclopedia

Tokyomap
Remove ads

Ang Tokyo (東京, Tōkyō; "Silangang Kabisera"), opisyal na tinatawag na Prepektura ng Tokyo o Kalakhang Tokyo (東京都, Tōkyō-to),[1] ay isa sa 47 prepektura ng Hapon, at nagsisilbi bilang kabisera ng buong bansa. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng pangunahing pulo ng Honshū at kasama ang mga kapuluang Izu at Osagawara. Ang Kalakhang Tokyo ay nabuo noong 1943 mula sa pagsasama ng dating Prepektura ng Tokyo (Tokyo-fu) at ng Lungsod ng Tokyo. Pinamamahalaan ng pamahalaan ng Kalakhang Tokyo ang dalawampu't tatlong mga natatanging purok ng Tokyo, ang bawat isa ay pinamamahalaan bilang isang lungsod, na sumasakop sa dating lungsod ng Tokyo at pati ang 39 mga bayan sa kanlurang bahaig ng prepektura at ang dalawang pangkat ng mga pulo.

Agarang impormasyon Tokyo 東京, Bansa ...

Ang populasyon ng mga natatanging purok ay nasa higit 8 milyong katao, na may kabuuang populasyon para sa buong prepektura na hihigit sa 13 milyon. Kasama ang mga lugar na palibot dito, ang Kalakhang Tokyo ay ang pinakamalaking kalakhan sa Hapon, na may higit 30 milyong katao.

Remove ads

Etimolohiya

Orihinal na kilala bilang Edo ang Tokyo, na nangangahulugang wawa.[2] Binago ang pangalang ito bilang Tokyo (Tōkyō: (silangan) + kyō (kabisera)) nang ito ay maging kabisera ng imperyo noong 1868, na inayon sa kaugaling Silangang Asyanong pagdadagdag ng salitang kabisera ('京') sa mga kabiserang lungsod.[2] Noong unang bahagi ng Panahong Meiji, ang lungsod ay tinawag ding "Tōkei", isang alternatibong pagbigkas sa katulad na kanji na kumakatawan sa "Tokyo". May iilang mga nalalabing mga dokument sa wikang Ingles ang may baybay na "Tokei".[3] Subalit ang pagbigkas na ito ay hindi na ginagamit ngayon.[4]

Remove ads

Tala ng mga bayan

Lungsod ng Tokyo

Rehiyon ng Tama

Lungsod

Distrito ng Nishitama

Mga pulo

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads