Tolon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Tolon o Toulon (NK /ˈtuːlɒ̃/, EU /tuːˈloʊn,_ʔˈlɔːn,_ʔˈlɒn/,[1][2][3][4] Pranses: [tulɔ̃] ; Provençal: Tolon (klasikong kinagawian), Touloun (Mistralianong nakagawian), pronounced [tuˈlun]) ay isang lungsod sa Rivierang Pranses at isang malaking daungan sa baybaying Mediteraneo, na may pangunahing base ng hukbong-dagat. Matatagpuan sa rehiyon ng Provence-Alpes-Côte d'Azur, at lalawigan ng Provence, ang Tolon ay ang prepektura ng departamento ng Var.
Ang Komuna ng Tolon ay may populasyon na 171,953 katao (2017), at itong ika-14 na pinakamalaking lungsod ng Pransiya. Ito ang sentro ng isang urbanong yunit na may 575,347 na naninirahan (2017), ang ikasiyam na pinakamalaki sa Pransiya.[5] Ang Tolon ay ang pangatlo sa pinakamalaking lungsod ng Pransya sa baybaying Mediteraneo pagkatapos ng Marsella at Niza.
Ang Tolon ay isang mahalagang sentro para sa pagtatayo ng hukbong-dagat, pangingisda, paggawa ng alak, at paggawa ng kagamitang pang-eroplano, armamento, mapa, papel, tabako, paglilimbag, sapatos, at kagamitang elektroniko.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
