Tommot
lungsod sa Rusya From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Tommot (Ruso: Томмо́т; Yakut: Томмот) ay isang lungsod sa Aldansky District ng Republika ng Sakha, Rusya, na matatagpuan sa Ilog Aldan (isang kanang-kamay na sangay ng Ilog Lena) 390 kilometro (240 milya) timog-kanluran ng Yakutsk na kabisera ng republika, at 70 kilometro (43 milya) timog-kanluran ng Aldan na sentrong pampangasiwaan ng distrito. Noong Senso 2010, may 8,057 katao na nakatira sa lungsod.[2]
Hango ang pangalan ng lungsod sa isang salitang Yakut na nagnangahulugang "hindi nagyeyelo" o "hindi malamig".
Remove ads
History
Itinatag ang Tommot noong 1923 kalakip ng pagtatayo ng isang daungang pang-ilog sa Ilog Aldan para sa minahan ng ginto ng Nezametny gold mine sa kasalukuyang lungsod ng Aldan. Dati itong dulo ng paglalayag sa Ilog Aldan. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1925.
Demograpiya
Ekonomiya
Nagsimula ang pagmimina ng mga deposito ng mika noong 1942, pagkaraang natuklasan ito ng isang mángangaso sa isang sapa malapit sa lungsod.
Transportasyon
Ang lungsod ay dating dulo ng mga pampasaherong tren ng Pangunahing Linya ng Amur–Yakutsk. Noong Nobyembre 2011, pinahaba ang daambakal sa Nizhny Bestyakh; paglaon idudugtong ito sa Yakutsk.[10] Kapwang tumatawid sa Ilog Aldan sa puntong ito ang daambakal at ang Lansangang Lena.
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads