Unibersidad ng Pilipinas

pambansang unibersidad ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Unibersidad ng Pilipinas
Remove ads

Ang Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: University of the Philippines System, dinadaglat bilang UP), minsan ring Pamantasan ng Pilipinas, ay ang Pambansang sistema ng Pamantasan ng Pilipinas.[2][3] Itinatag noong 1908 sa bisa ng Batas Blg. 1870 ng unang Asemblea Pilipina, na kilala bilang "University Act" mula sa autoridad ng Estados Unidos, inilalaan ng Unibersidad ang edukasyong antas-dalubhasa sa halos lahat na larangan, mula sa batas, medisina, inhinyeriya, agham pampolitika at ibang mga agham panlipunan hanggang sa narsing, kalusugang pampubliko, mga likas na agham, pagsasaka at mga araling pantao.

Agarang impormasyon Sawikain, Uri ...

Kinikilala ang Unibersidad bilang pangunahing institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Pilipinas, at napag-aral sa ilang mga pinakakilalang mga pinunong panlipunan at pampolitika, ekonomista, siyentipiko, manananggol, doktor medikal, inhinyero, malikhaing artista, guro at mangangalakal.[4][5][6] Pitong mga pangulo ng Pilipinas ay nag-aral sa Unibersidad bilang mga mag-aaral na 'di pa nagtapos o nagtapos na ng kolehiyo, habang 12 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, 36 sa 57 Pambansang Alagad ng Sining at 30 sa 31 Pambansang Alagad ng Agham ay may kaugnayan sa Unibersidad.[2][4][7]

Remove ads

Miyembrong Unibersidad ng UP (kasama ang mga sudlong na kampus)

Mga naging Pangulo ng UP

  • Murray Bartlett ( 1911-1915)
  • Ignacio Villamor ( 1915-1921)
  • Gut Potter Benton ( 1921-1925)
  • Rafael Palma ( 1925-1933)
  • Jorge Bocobo ( 1934-1939)
  • Bienvenido Gonzales ( 1939-1943, 1945-1951)
  • Antonio Sison ( 1943-1945)
  • Vidal Tan ( 1951-1956)
  • Enrique Virata ( 1956-1958)
  • Vicente Sinco ( 1958-1962)
  • Carlos Romulo ( 1962-1968)
  • Salvador Lopez ( 1969-1975)
  • Onofre Corpus ( 1975-1979)
  • Emmanuel Soriano ( 1979-1981)
  • Edgardo Angara ( 1981-1987)
  • Jose Abueva ( 1987-1993)
  • Emil Javier ( 1993-1999)
  • Francisco Nemenzo ( 1999-2004)
  • Emerlinda Roman ( 2004-2011)
  • Alfredo Pascual ( 2011-2017)
  • Danilo Concepcion ( 2017-kasalukuyan)
Remove ads

Oblasyon

Ang Oblasyon ang sagisag ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay naging sagisag at sentro ng aktibismo sa pamantasan. Si Rafael Palma ang nagkomisyon kay Guillermo Tolentino upang gawin ang obra maestrang ito. Ito ay may taas na 3.5 metro na nagsisilbing simbolo ng 350 na taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads