Upuan

bagay na ginagamit upang makaupo From Wikipedia, the free encyclopedia

Upuan
Remove ads

Ang upuan o bangkito[1] ay isang uring pang-upo, karaniwang idinisenyo para sa isang tao at binubuo ng isa o higit pang mga paa, isang patag o bahagyang anggulong upuan at isang sandalan. Ito ay gamit sa bahay o opisina na nagsisilbing patungan o luklukan ng puwit. Ginagamit ito bilang katambal ng hapag-kainan o maging sa pagbabasa man ng aklat o peryodiko, at maging sa pamamahinga lamang at paglilibang na kaharap ang umaandar na telebisyon. Mayroon din itong bahaging pinagsasandalan ng likod ng tao.

Thumb
Thumb
Isang tumba-tumba na maiuuguy-ugoy ng matandang taong gagamit nito. Isa itong uri ng kasangkapang pahingahan.
Thumb
Isang silyon, isang upuang may patungan ng mga kamay.
Thumb
Isang likmuan, isang silyang nagagawang tila isang higaan dahil naitutak ng sandalan nito at naitataas ang pang-ibabang bahagi upang maging patungan ng mga paa.
Thumb
Isang silyang may gulong na ginagamit ng mga may kapansanang hindi makalad.
Thumb
Ang sofa, isang mahabang upuan na ginagamit ng pamilya sa panonood ng telebisyon.
Thumb
Isang upuang natitiklop para madadala kahit saan.
Thumb
Isang mahabang upuan sa isang liwasan. Bangko ang tawag dito.
Thumb
Mga nakahilerang bangko, mga mahahabang upuan sa loob ng simbahan.

Ang mga upuan ay pwedeng magkaroon ng tatlong paa lamang o magkaroon ng ibang hugis.

Remove ads

Mga uri

Kabilang sa mga uri ng upuan ang likmuan (Ingles: reclining chair), taburete (isang upuang walang patungan ng mga kamay at braso), silyang may-gulong (Ingles: wheel chair), silyon (Ingles: armchair, isang silyang may patungan ng mga kamay), tumba-tumba (Ingles: rocking chair), bangko (mga mahahabang upuan na kalimitang matatagpuan sa loob ng simbahan (Ingles: pew) o mga liwasan (Ingles: bench), at silyeta (maliit at mababang upuan). May kasamang luhuran ang mga bangkong pansimbahan.

Remove ads

Kasaysayan

Ang upuan ay kilala sa angking kalumaan nito at pagiging simple bagamat sa maraming nakaraang siglo, ito ay isang simbolo ng Estado at dignidad imbis na isang ordinaryong muwebles.

Ang mga komite, mga direktor at mga iba pang may kinalamang grupo o organisasyon ay may tinatawag na "Chairman".

Mayroon nang mga upuan simula nang panahon ng Sinaunang Ehipto.[2] Mayroon na ding mga imahe ng upuan sa Sinaunang Tsina na makikita sa mga Budistang mural o estele (mga mataas na monumentong ukit gamit ang bato).[3]

Noong panahon lang ng Renasimiyento sa Europa naging uso ang paggamit ng upuan sa mga ordinaryong tao at pamilya.[4]Mas naging madali makabili ng upuan at mas naging mura ito nang panahon ng Rebolusyong Industriyal sa pagkakaroon ng mga makinaryang panggawa ng produkto.[5]

Remove ads

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads