Alig

From Wikipedia, the free encyclopedia

Alig
Remove ads

Sa teorya ng probabilidad at estadistika, ang alig[1] (Ingles: variance), na kinakatawan ng simbolong σ2, ay isang sukat ng kakalatan ng isang alisagang aliging na katumbas sa inaasahang halaga ng parirami ng liwas buhat sa tamtamang , o . Kapag kinuha ang pariugat nito, makukuha naman ang pamantayang liwas, na isa ring sukat ng kakalatan. Dinadaglat din minsan bilang o ang alig.

Thumb
Halimbawa sa dalawang sambagayan o populasyong may parehong tamtaman (100) nguni't magkaibang alig. Katumbas sa 100 (SD=10) ang alig ng pulang sambagayan, samantala; katumbas naman sa 2500 (SD=50) ang alig ng sambagayang bughaw. Nangangahulugang standard deviation (pamantayang liwas) ang akronim na SD.
Remove ads

Katuringan

Itinuturing ang alig ng isang alisagang aliging na katumbas sa inaasahang halaga ng parirami ng liwas buhat sa tamtamang , o Gamit ang katangian ng inaasahang halaga, mapapatunayang na [2]

Sa hiwalaying alisagang aligin

Kung may nakaugnay na probabilidad sa bawa't halaga ng alisagang aliging , alalong baga;

kung saan ang inaasahang halaga o

[3]

Maisusulat din ang alig ng katipunan ng halagang , kung saan pareho ang probabilidad ng bawa't isa bilang

kung saan ang tamtaman ng mga datos

Isa itong natatanging kalagayan ng probabilidad ng isang hiwalaying alisagang aligin.

"Biased" na binigatang alig

Kung may nauulit na halaga sa , minsan ay inilalagyan ng kaukulang "bigat" ang bawa't halaga batay sa kung ilang beses sila nauulit (o ang dalas nito), na kinakatawan ng o freuqency (dalas). Samakatuwid, kung may nauugnay na dalas sa bawa't halagang o , maisusulat ang tumbasan para sa alig sa itaas bilang

kung saan

at binibilang ang bawa't ng isang beses lamang (hindi nauulit).

Remove ads

Tignan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads