Vilna
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Vilna o Vilnius (bigkas sa Litwano: [ˈvʲɪlʲnʲʊs] ( pakinggan), tingnan din ang ibang mga pangalan) ay ang kabisera ng Lithuania at ang pinakamalaking lungsod nito, na may populasyon na 587,581 noong 2020.[1] Tinataya naman ang populasyon ng gumaganang urbanong lugar ng Vilna, na sumasakop sa labas ng hangganan ng lungsod, sa 700,275 noong 2018,[6] habang sang-ayon sa panteritoryong pondo sa segurong pangkalusugan ng Vilna, mayroong 729,923 permanenteng naninirahan noong May 2020 sa pinagsamang lungsod ng Vilna at mga munisipalidad ng distrito ng Vilna.[7] Nasa timog-silangan ng at ikalawang pinakamalaking lungsod sa mga estadong Baltiko ang Vilna. Ito ang luklukan ng pambansang pamahalaan at ng Distritong Munisipalidad ng Vilna.
Sang-ayon sa pag-aaral ng GaWC, nauuri ang Vila bilang isang pandaidigang lungsod na Gamma,[8] at nakilala sa arkitektura nito sa Lumang Bayan, na idineklara na isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1994.[9] Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isa ang Vilna sa may pinakamalaking sentrong Hudyo sa Europa. Nagdulot ang impluwensiya Hudyo sa pagkakaroon ng palayaw nito na "ang Jerusalem ng Lithuania". Tinawag ito ni Napoleon bilang "ang Jerusalem ng Norte"[10] nang dumaan siya noong 1812. Noong 2009, ang Vilna ay naging Kabisera ng Kultura sa Europa, kasama ang Linz, Austrya.[11]
Remove ads
Etimolohiya at ibang mga pangalan
Nagmula ang pangalan ng lungsod mula sa Ilog Vilnia, na mula sa Litwanong salita para sa mumunting alon.[12] Nagkaroon ng maraming paghahango ang pagbaybay ng pangalan ng lungsod sa iba't ibang wika sa kasaysayan: minsan naging karaniwan ang katawagang Vilna sa Ingles. Kabilang sa kapansin-pansing mga di-Litwanong pangalan ng lungsod ang mga sumusunod: Polako: Wilno, Belaruso: Вiльня (Vilnya), Aleman: Wilna, Latbiyano: Viļņa, Ukranyo: Вільно (Vilno), at Yiddish: ווילנע (Vilne). Ang pangalang Ruso noong panahon ng Imperyong Ruso ay Вильна (Vilna),[13][14] bagaman ginagamit na ngayon ang Вильнюс (Vilnyus). Ginagamit din ang Wilno, Wilna at Vilna sa mga lumang wikang Ingles, Aleman, Pranses at Italyanong mga paglalathala nang naging isa sa mga kabisera ang lungsod ng Komenwelt ng Polako-Litwano at naging mahalagang lungsod sa Ikalawang Republikang Polako. Ginagamit pa rin ang katawagang Vilna sa Pinlandes, Portuges, Kastila, at Ebreo. Habang ginagamit pa rin ang Wilna sa Aleman kasama ang Vilnius.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads