Viva Films

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Viva Films ay isang kompanyang pamproduksyon ng pelikula sa Pilipinas na itinatag noong Nobyembre 11, 1981. Nasa ilalim ng Viva Communications Inc. ang Viva Films.[1][2] Nagsimula ang kompanya nang naghahanap ang noo'y Alkalde ng Lungsod ng Pasay na si Pablo Cuneta ng kasosyo para i-prodyus ang ikalawang pelikula ng kanyang anak na si Sharon Cuneta at si Vic del Rosario na humahawak sa karera ni Sharon sa pag-awit ang nahanap niyang maging kasosyo.[3] Naitatag ang Viva Films sa sosyohan na ito para gawin ang P.S. I Love You na pinagbidahan ni Sharon at katambal niyang si Gabby Concepcion.[3]

Agarang impormasyon Uri, Industriya ...

Noong unang limang taon ng kompanya, naging estratehiya nila ang pagkuha ng mga karapatang-ari ng ibang lokal na prodyuser, at nakakuha sila ng 500 lokal na titulo sa ibang prodyuser na binubuo ng 40% ng kanilang koleksyon na mga gawa.[4] Sa dami ng kanilang mga koleksyong pelikula, kumikita sila sa paglilisensya ng mga ito sa ibang mga plataporma tulad ng mga himpilan ng kaybol na PBO at Cinema One.[4] Nagkaroon din sila ng kasunduan sa ibang kompanyang produksyon tulad ng GMA Pictures[5] at Globalgate Entertainment, na pinamumunuan ng Amerikanong kompanyang produksyon na Lionsgate.[1]

Remove ads

Tala ng mga pelikula ayon sa laki ng kita

Karagdagang impormasyon Ranggo, Pamagat ...

panandaHindi tumpak ang kinita ng pelikula sa takilya ng nakalista dito. May mga sanggunian at ulat at mula kompanya mismo ang nagbibigay ng iba't ibang kinita at hindi sinasabi ang aktuwal na kinita ng pelikula. Sa ipinapakita dito, taya lamang ito mula sa mga sanggunian na may magkakaparehong ulat ng kita.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads