Volodymyr Zelenskyy

President of Ukraine From Wikipedia, the free encyclopedia

Volodymyr Zelenskyy
Remove ads

Si Volodymyr Oleksandrovych Zelenskyy (Ukranyo: Володимир Олександрович Зеленський; ipinanganak 25 Enero 1976) ay isang Ukranyong politiko, aktor, komedyante, at direktor na naging pangulo ng Ukranya mula 2019. Naging popular sa masa noong 2019 election, pingako ni Zelenskyy ang pagtugon sa katiwalian sa gobyerno. Nanalo si Zelenskyy bilang pangulo, tinalo niya ang dating Pangulong si Petro Poroshenko sa isang landslide victory na may 73.2 porsyentong boto.[1][2]

Agarang impormasyon ika-6 Pangulo ng Ukranya, Punong Ministro ...
Remove ads

Tensyon sa Rusya

Sa pagitan ng 2021 hanggang 2022, ang pangangasiwa ni Zelenskyy ay puno ng pagsubok dahil sa mga babala ng Pangulo ng Rusya na si Vladimir Putin. Dahil dito, sa kapalyahan ng pakikipagugnayan ng dalawang bansa, naganap ang buong pagsalakay ng bansang Rusya sa Ukranya noong Pebrero 2022. Bago mangyari ito, ayon kay Zelenskyy, ang kanyang estratehiya bilang tugon sa military buildup ng Rusya ay pakalmahin muna ang mga mamamayan ng Ukranya at inaasahan na hindi gaganti ang bansa sa pag-atake ng Rusya.[3] Sa una, pinanghihinayaan niya ang posibilidad ng giyera pero kalaunan ay humingi siya ng tulong sa NATO.[4] Pagkatapos ng pagsalakay ng bansang Rusya, ipinatupad ni Zelenskyy ang batas militar sa buong bansa.

Thumb
ika-25 Air Assault Brigade ng Sicheslavshchyna BMP-1TS
Thumb
Nasirang bahay sa Bucha bilang resulta sa nangyaring pagsalakay ng bansang Rusya sa Ukranya

Noong Enero 26, 2023, nakipag-ugnanyan si Zelenskyy sa Estados Unidos at Alemanya na pakibilisan ang pagbibigay ng tangke sa bansa. Ito ay matapos inanunsyo ng dalawang bansa ang pagpapadala ng mga Abrams at Leopard tanks sa Ukranya.[5]

Noong Enero 27, 2023 maraming opisyales sa Ukranya ang bumitiw sa kanilang puwesto matapos sugpuin ng administrasyong Zelenskyy ang anumang alegasyon ng katiwalian. Ito ay dahil sa paghihigpit sa pagpapadala ng armas ng Estados Unidos, gayundin sa nawawalang tiwala ng publiko sa gobyerno ng Ukranya.[6]

Remove ads

Mga Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads