Mga wikang Indo-Europeo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Mga wikang Indo-Europeo
Remove ads

Ang mga wikang Indo-Europeo ay isang pamilya o phylum ng ilang daang magkakaugnay na mga wika at diyalekto. Ito ay may tinatayang 439 wika at diyalekto ayon sa pagtataya ng 2009 Ethnologue na ang tinatayang kalahati (221) ay kabilang sa sub-sangay na Indo-Aryan.[1]. Ito ay kinabibilangan ng pinakapangunahing mga kasalukuyang mga wika ng Europa, talampas na Iraniano at mga wika ng Timog Asya at nananaig rin sa sinaunang Anatolia. Sa pagkakaroon ng mga isinulat na pagpapatunay na lumitaw simula Panahon ng Tanso sa anyo ng mga wikang Anatolyo at Griyegong Miseneo, ang pamilyang Indo-Europeo ay mahalaga sa larangan ng lingguwistikang historikal bilang nag-aangkin ng pinakamahabang itinalang kasaysayan pagkatapos mga wikang Apro-Asyatiko.

Agarang impormasyon Indo-Europeo, Distribusyong heograpiko: ...

Ang mga wikang Indo-Europeo ay sinasalita ng halos 3 bilyong mga katutubong tagapagsalita[2] na pinakamalaking bilang sa anumang kinikilalang pamilya ng wika. Sa mga 20 wika na may pinakamalaking bilang ng mga katutubong tagapagsalita, ang 12 wika ay Indo-Europeo: Espanyol, Ingles, Hindi, Portuges, Bengali, Ruso, Aleman, Marathi, Pranses, Italyano, Punjabi, at Urdu na bumubuo sa 1.7 bilyong mga katutubong tagapagsalita.[3]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads