Wikang Kalinga

From Wikipedia, the free encyclopedia

Wikang Kalinga
Remove ads

Ang Kalinga (PPA: [kaliŋɡa]) ay isang kontinuong diyalekto ng lalawigan ng Kalinga sa Pilipinas, na sinasalita ng mga Kalinga, kaagapay ng Ilokano. Ang bariyedad na Banag Itneg ay hindi isa sa mga katabing mga wikang Itneg.

Agarang impormasyon Kalinga, Katutubo sa ...
Remove ads

Mga diyalekto

Hinati ni Ronald Himes (1997) ang Kalinga sa tatlong diyalekto: Masadiit (sa Abra), Hilagang Kalinga, at Timog-Gitnang Kalinga.[2]

Iniulat ng Ethnologue ang sumusunod na mga lokasyon para sa bawat walong wika ng Kalinga na tinukoy nila. Inuri ang Banao Itneg ng Ethnologue bilang Kalinga imbis na Itneg.

  • Butbut Kalinga: sinasalita sa lalawigan ng Kalinga: Tinglayan at Butbut; Buscalan, Bugnay, Loccong, at Ngibat; Lungsod ng Tabuk, Lucnang, Pakak, Kataw, at Dinongsay. Sa Rizal din: Annunang, Malapiat, Andarayan, at Bua. 15,000 tagapagsalita. Ang katayuan ng wika ay 5 (developing o umuunlad),[3] 1,000 monoglote. [3]
  • Limos Kalinga (Limos-Liwan Kalinga, Hilagang Kalinga): sinasalita sa lalawigan ng Kalinga (Lungsod ng Tabuk, hilaga tungong hangganan) at bayan ng Conner, lalawigan ng Apayao. 12,700 tagapagsalita. Ang katayuan ng wika ay 5 (developing o umuunlad). [4]
  • Lubuagan Kalinga: sinasalita sa lalawigan ng Kalinga (Lubuagan at Lungsod ng Tabuk). 30,000 tagapagsalita. Ang mga diyalekto ay Guinaang, Balbalasang, Ableg-Salegseg, at Balatok-Kalinga (Balatok-Itneg). Pasil Kalinga. [5], Ang katayuan ng wika ay 5 (developing o umuunlad). [5]
  • Kalinga ng Lambak ng Mabaka (Kal-Uwan, Mabaka, Mabaka Itneg): sinasalita sa bayan ng Conner, lalawigan ng Apayao, gayon din sa kanlurang Abra at hilagang lalawigan ng Kalinga.
  • Majukayang Kalinga (Madukayang): sinasalita sa Lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga at sa bayan ng Paracelis, Lalawigang Bundok. 1,500 tagapagsalita noong 1990. [6], ang katayuan ng wika ay 6a. (Vigorous o Masigla). [6]
  • Katimugang Kalinga: sinasalita sa lalawigan ng Kalinga (bayan ng Lubuagan; may ilan din sa Lungsod ng Tabuk) at Lalawigang Bundok (13 nayon ng mga bayan ng Sadanga at Sagada). 11,000 tagapagsalita ayon noong 1980.[7] Ang mga diyalekto ay Mallango, Sumadel, Bangad, at Tinglayan.[8]
  • Tanudan Kalinga (Mababang Tanudan, Mababang Tanudan Kalinga, Mangali Kalinga): sinasalita sa dulong timog ng lambak ng Tanudan sa lalawigan ng Kalinga. 11,200 tagapagsalita ayon noong 1998. Ang mga diyalekto ay Minangali (Mangali), Tinaloctoc (Taluctoc), Pinangol (Pangul), Dacalan, at Lubo.ng katayuan ng wika ay 5 (developing o umuunlad). 1,120 monoglote. [9]
  • Banao Itneg (Banao, Banaw, Itneg, Timggian, Tinguian, Vanaw, Vyanaw, Bhanaw Tinggian): sinsalita sa mga lalawigan ng Kalinga (mga bayan ng Balbalan at Pasil) at Abra (mga bayan ng Daguioman at Malibcong). 3,500 tagapagsalita ayon noong 2003. Ang mga diyalekto ay Malibcong Banao, Banao Pikekj, Gubang Itneg at Daguioman. [10]
Remove ads

Ponolohiya

Mga katinig

Karagdagang impormasyon Labiyal, Albeyolar ...

Mga patinig

Karagdagang impormasyon Harap, Gitna ...

/a/ maaring may alopono din ng [ə]. [11][12]

Mga sanggunian

Karagdagang pagbabasa

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads