Wikang Maguindanao
wika From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Maguindanao o Maguindanaon ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita ng karamihan ng populasyon ng lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas. Ito ay sinasalita din ng ilang minorya sa iba't ibang bahagi ng Mindanao tulad sa Lungsod ng Zamboanga, Lungsod ng Dabaw, Lungsod ng Heneral Santos at sa mga lalawigan ng Hilagang Cotabato, Sultan Kudarat, Timog Cotabato, Sarangani, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay, pati na rin sa Kalakhang Maynila. Ito ang naging wika ng makasaysayang Sultanato ng Maguindanao, kung saan ito'y umiral bago at sa panahon ng mga Kastila mula 1500 hanggang 1888.

Noong 2020, ang wika ay niraranggo bilang ika-siyam na nangungunang wika na sinasalita sa mga tahanan sa Pilipinas kung saan may 365,032 na sambahayan pa rin ang nagsasalita ng wika.[2]
Remove ads
Mga sanggunian
Mga kawing na panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads