Wikang Swahili

From Wikipedia, the free encyclopedia

Wikang Swahili
Remove ads

Ang wikang Swahili o Kiswahili (salinwika: wika ng mga taong-Swahili) ay isang pamilyang wikang Bantu at ang paunahing wika sa taong Swahili. Ito ay isang lingguwa prangka ng rehiyon ng Dakilang Lawa ng Aprika at ilang bahagi ng silangan at timog-silangang Aprika na kagaya ng Kenya, Tanzania, Uganda, Rwanda, Burundi, mga ilang bahagi ng Malawi, Somalia, Zambia, Mozambique at ang Demokratikong Republika ng Congo (DRC).[6] Ang Komoryano na sinasalita sa Kapuluang Comoros, ay itinuturing minsan bilang diyalekto ng Swahili, ngunit itinuturing ito ng mga ibang awtoridad bilang natatanging wika.[7]

Agarang impormasyon Swahili, Katutubo sa ...

Hindi alam at pinagtataluhan ang eksaktong bilang ng mga nananalita ng Swahili, maaaring ito'y katutubong nananalita o nananalita bilang ikalawang wika. Iba't ibang tantya ang iniharap at lubhang nagkakaiba sila, mula 100 milyon hanggang 150 milyon.[2] Nagsisilbi ang Swahili bilang pambansang wika ng DRC, Kenya, Tanzania, at Uganda. Shikomor, ang wikang opisyal ng Comoros at sinasalita rin sa Mayotte (Shimaore), ay may kaugnayan sa Swahili.[8] Ang Swahili ay isa rin sa mga pantrabahong wika ng Unyong Aprika at opisyal na kinikilala bilang lingguwa prangka ng Pamayanang Silangang Aprika.[9] Noong 2018, ginawang legal ng Timog Aprika ang pagtuturo ng Swahili sa mga Timog Aprikanong paaralan bilang opsyonal na asignatura na sisimulan sa 2020.[10]

May makabuluhang bahagi ng talasalitaan ng Swahili ang nanggagaling sa Arabe,[11] na bahagyang ipinapahiwatig ng mga Muslim na nananalita ng Arabe. Halimbawa, ang salitang Swahili para sa "aklat" ay kitabu, na matutunton sa salitang Arabe كتاب kitāb (mula sa ugat K-T-B "magsulat"). Gayunman, ang maramihang anyo sa Swahili ng salitang ito ("mga aklat") ay vitabu, sa halip ng maramihang anyo sa Arabe كتب kutub, na sumusunod sa bararilang Bantu kung saan ki- ay inaanalisa muli bilang makangalang unlapi, at ang kanyang pangmaramihan ay vi-.[12]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads