Xi Jinping

Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina From Wikipedia, the free encyclopedia

Xi Jinping
Remove ads

Si Xi Jinping (pinyin: Xí Jìnpíng; binibigkas [ɕǐ tɕînpʰǐŋ], ipinanganak noong ika-15 Hunyo 1953) ay ang kasalukuyang Pangulo ng Republikang Bayan ng Tsina.[1]

Agarang impormasyon General Secretary of the Communist Party of China, Nakaraang sinundan ...
Agarang impormasyon

Sa ilalim ng pamumuno ni Xi Jinping, unti-unting naging kontrobersyal ang bansang Tsina lalo na sa usaping pandaigdigan. Ilan dito ay ang pag-angkin ng kahigpunlian o soberanya sa Dagat Timog Tsina pati na rin ang "One Belt, One Road" initiative kung saan nakipag-ugnayan ang bansang Tsina sa mga bansang nasa Asya gayundin sa mga bansang Europeo. Ang ilan ay pinuri ang proyektong ito at ang ilan ay binigyan ito ng pagtuligsa.[2]

Dahil sa tagumpay ng kanyang paglalaban sa katiwalian noong unang termino, ipinagpatuloy pa niya ito at sa katapusan ng 2017, mahigit isang milyon ang mga pinarusahang nanunungkulan dahil sa umano'y katiwalian.[2]

Remove ads

Pakikipagugnayan sa Pilipinas

Pangangasiwang Duterte

Noong Oktubre 2016, ipinahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang balak niyang humiwalay sa pagkakaroon ng pakikipagugnayan sa Estados Unidos. Dahil dito, sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, naging malapit ang bansang Pilipinas sa Tsina.[3][4] Noong Abril 2022, sa isang virtual meeting summit, sinabi ni Duterte na naging maganda ang pakikipagkaibigan niya kay Xi Jinping at isinaad sa isang pampangulong pagpapahayag na ipapangako ng dalawang bansa ang katatagán sa Dagat Timog Tsina gayundin sa pagkakaroon ng kapayapaan sa rehiyon.[4]

Thumb
Si Pangulong Duterte kasama si Pangulong Xi ng Tsina sa isang Bilateral Meeting

Pangangasiwang Marcos, Jr.

Noong Nobyembre 2022, nagkakitaan ang dalawang pangulo ng bansa sa Bangkok, Thailand. Ayon kay Pangulong Marcos, Jr., gusto ni Xi Jinping na magkaroon ng panibagong kabanata ang relasyon ng dalawang bansa at panatilihin ang kapayapaan sa rehiyon.[5]

Thumb
Si Pangulong Bongbong Marcos at si Xi Jinping sa APEC Economic Leader's meeting sa Bangkok, Thailand
Remove ads

Mga sanggunian

Mga kawing na panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads