Mga Aklat ng mga Hari
libro ng Biblya kaysá hawak dalawá elementos: 1 Mga Hari: 22 kabanatas; 2 Mga Hari: 25 kabanatas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mga Aklat ng mga Hari o Book (s) of Kings (Hebreo: Sepher M'lakhim, ספר מלכים - ang dalawang mga aklat na orihinal na isa [1]) na nagtatanghal ng isang salaysay ng kasaysayan ng sinaunang Israel at Judah mula sa kamatayan ni David hanggang sa pagpapalaya ng kanyang kahaliling si Jehoiachin mula sa pagkakabilanggo sa Babilonia na isang yugto ng mga 400 taon (c.960-560 BCE).[2] Ito ay nagwawakas sa isang serye ng mga historikal na aklat na mula Aklat ni Josue hanggang Aklat ng mga Hukom at Mga Aklat ni Samuel, na ang kabuuang layunin ay upang magbigay ng isang teolohikal na paliwanag sa pagkawasak ng kahariang Hudyo ng Imperyong Neo-Babilonya noong 587/586 BCE at isang pundasyon ng pagbabalik mula sa pagkakatapon sa Babilonya.[2]
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang mga Hari ay nagsisimula sa kamatayan ni David kung saan si Yahweh na diyos ng mga Israelita ay nangako ng isang walang hangganan dinastiya at paghahali ng kanyang anak na si Solomon. Si Solomon ay pinuri sa kanyang karunungan at kayamanan ngunit kanyang nasiphayo si Yahweh sa pamamagitan ng pagpayag ng pagsamba ng ibang mga diyos sa Herusalem. Dahil dito, hinati ng diyos na si Yahweh ang kaharian sa dalawa na ang linya ni David ay naghahari sa katimugang Kaharian ng Judah at isang hiwalay na Kaharian ng Israel (Samaria) sa hilaga. Ang mga hari ng Israel ay pare parehong masama na pumayag sa ibang mga diyos maliban kay Yahweh na sambahin at kalaunan ay idinulot ni Yahweh ang pagkawasak ng kaharian. Ang ilan sa mga hari ng Judah ay mabuti ngunit ang karamihan ay masama kaya kalaunan ay winasak rin ni Yahweh ang kahariang ito.