Sulat Tagbanwa
sistemang pansulat ng mga wikang Tagbanwa / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tagbanwa ay isa sa mga kaparaanan ng pagsusulat na katutubo sa Pilipinas, na ginagamit ng mga Tagbanwa at mga Palawano bilang kanilang katutubong sistema ng pagsusulat at iksrip.[1]
Agarang impormasyon Sulat Tagbanwa ᝦᝪᝯ, Uri ...
Sulat Tagbanwa ᝦᝪᝯ | |
---|---|
Uri | Abugida |
Mga wika | Mga wikang Palawano |
Panahon | s. 1300–kasalukuyan |
Mga magulang na sistema |
Sulat Proto-Sinaitiko
|
Mga kapatid na sistema | In the Philippines: Sulat Tagalog Sulat Buhid Sulat Hanunuo Sulat Kulitan Sa mga ibang bansa: Balines Batak Habanes Lontara Sundanes Rencong Rejang |
ISO 15924 | Tagb, 373 |
Direksyon | Kaliwa-kanan |
Alyas-Unicode | Tagbanwa |
Lawak ng Unicode | U+1760–U+177F |
Isara
Posibleng kailanganin niyo po ang suporta sa pag-render sa mga ito para po maipakita nang maayos ang mga pambihirang titik ng Unicode sa artikulong ito.
Namamatay ang mga wikang Tagbanwa (Aborlan, Calamian at Sentral), na mga wikang Austronesyo na may halos 25,000 kabuuang nagsasalita sa gitnang at hilagang bahagi ng Palawan, dahil ang mga kabataan ng Tagbanwa ay nag-aaral at gumagamit ng mga di-tradisyonal na wika, tulad ng Cuyonon at Tagalog, at sa gayon ay umuunti ang kanilang kaalaman ng kanilang sariling katutubong pamanang pangkultura. Mayroong mga panukala upang muling pasiglahin ang sulat sa pagtuturo nito sa mga pampublikong at pribadong paaralan na may mga populasyon ng Tagbanwa.[2]