Bakteryolohiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bakteryolohiya ay isang sangay at espesyalidad ng biyolohiya na pinag-aaralan ang morpolohiya, ekolohiya, henetika at biyokimika ng bakterya gayon din ang marami pang ibang aspeto na may kaugnayan dito. Kinakasangkutan ng subdibisyong ito ng mikrobiyolohiya ang pagkilala pag-uuri, at paglalarawan ng espesyeng bakterya.[1] Dahil sa pagkakapareho ng pag-isip at pagsasagawa sa mga mikroorganismo maliban sa bakterya, tulad ng protozoa, fungi, at mga virus, may pagkahilig para sa larangan ng bakteryolohiya na palawigin ito sa mikrobiyolohiya.[2] Dating pasalit-salit na ginagamit ang mga katawagan.[3] Bagaman, nauuri ang bakteryolohiya bilang natatanging agham.