Biyospero

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang biyospero ay ang kabuuan ng nasasakupan ng mga organismong nabubuhay sa daigdig, kasama ang pinamumuhayan nilang hangin o himpapawid, lupa o lupain, at tubig. Subalit hindi kasama sa biospero ang mga bahagi ng mundo na hindi pinaninirahan ng mga bagay na may buhay.[1]

Sa pangkalahatan, matatawag na biyospero ang kahit anong lugar na sarado at nakakatakbo ng mag isa na ecosystem. Kasama na rito ang tulad ng Biosphere 2 at BIOS-3 at iba pang mga potensyal na lugar tulad ng ibang planet at buwan.