Domingo Savio
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Domingo Savio (Italyano: Domenico Savio; Abril 2, 1842 – Marso 9, 1857[5][6]) ay isang binatang Italyanong mag-aarál si San Juan Bosco. Nag-aaral siya upang maging pari nang siya'y nagkasakit at namatay sa gulang na 14, marahil sa pleurisy.[7]
Santo Domingo Savio | |
---|---|
Kumpesor | |
Ipinanganak | 2 Abril 1842(1842-04-02) San Giovanni, frazione ng Riva presso Chieri, Piedmont, Italya[1] |
Namatay | 9 Marso 1857(1857-03-09) (edad 14) Mondonio, frazione ng Castelnuovo d’Asti (ngayo'y Castelnuovo Don Bosco), Piedmont, Italya[1] |
Benerasyon sa | Simbahang Katolika Romana & Simbahang Episcopal |
Beatipikasyon | Marso 5, 1950, Roma ni Papa Pio XII |
Kanonisasyon | Hunyo 12, 1954, Roma ni Papa Pio XII |
Pangunahing dambana | Basilika ng Inang Mapag-Ampon ng mga Kristiyano sa Turin (kaniyang libingan)[2] |
Kapistahan | Mayo 6 (dating Marso 9)[3] |
Patron | mga batang koro, mga naparatangan ng mali, kabataang naliligaw ng landas[4] |
Mataas ang pagtingin kay Savio ng kaniyang guro na si Juan Bosco, na sumulat ng talambuhay ng kaniyang batang mag-aarál – Ang Buhay ni Domingo Savio. Ang tomong ito, kasama ng ilan pang pagpapatunay patungkol sa kaniya ay naging mahalaga sa kawsa ng kaniyang pagkasanto. Sa kabila ng pag-aalinlangan ng marami na siya'y bata pa masyado — labing-apat na taong gulang — nang mamatay upang ituring na maging santo, kinilala ang kaniyang "dakilang kabanalan" sa pang-araw-araw na buhay kaya't siya'y itinuring na karapat-dapat sa karangalang ito.[8] Siya ang tanging santo sa kaniyang mga ka-edad, kung saan napapabilang sina Maria Goretti (edad 11) at Ponticus ng Lyons (edad 15),[9] na idineklarang santo, hindi dahil sa siya'y namatay na martir, kundi sa pagkilala sa kaniyang banal na pamumuhay. Kinanonisa si Savio na santo noong Hunyo 12, 1954 ni Papa Pio XII,[10] upang maging pinakabatang kinanonisa sa Simbahang Katolika na hindi martir.[11]