From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Eid al-Adha o Eid ul-Adha (Arabe: عيد الأضحى, romanisado: ʿīd al-ʾaḍḥā, lit. 'Pagdiriwang ng Sakripisyo', IPA: [ʕiːd alˈʔadˤħaː]) ay ang panghuli sa dalawang kapistahang Islamiko na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon (ang isa naman ay Eid al-Fitr), at itinuturing bilang nakababanal sa dalawa. Nagpaparangal ito ng pagpapaunlak ni Ibrahim (Abraham) na isakripisyo ang kanyang anak na si Ismael, bilang isang gawain ng pagsunod sa Panginoon. {Pinaniniwalaan ng mga rehiliyong Hudaismo at Kristiyanismo na ayon sa Torah at Bibilya, sa Genesis 22 tal 2, kinuha ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac upang isakripisyo}. Ngunit, bago masakripisyo ni Ibrahim ang kanyang anak, naglaan ang Diyos ng koderong pansakripisyo. Sa paggunita nitong pamamagitan, ritwal na isinasakripisyo ang isang hayop, kadalasan isang tupa. Kinokonsumo ang isang-katlo ng karne nito ng pamilyang naghandog ng sakripisyo, habang ibinabahagi ang natitirang bahagi sa mga maralita at nangangailangan. Nagbibigayan ang mga tao ng mga matatamis at regalo, at karaniwang binibisitahan at sinasalubungan ang pinapamilyang kamag-anak.[1]
Eid al-Adha | |
---|---|
Opisyal na pangalan | عيد الأضحى Eid al-Adha |
Ipinagdiriwang ng | Muslim at Druso |
Uri | Islamiko |
Kahalagahan |
|
Mga pamimitagan | Panalangin sa Eid, paghahain ng hayop, kawanggawa, pagtitipong pang pakikisalamuha, masayang salu-salo, pagbibigay ng regalo |
Nagsisimula | 10 Dhu al-Hijjah nbm, |
Nagtatapos | 13 Dhu al-Hijjah |
Petsa | 10 Dhu al-Hijjah |
Kaugnay sa | Hajj; Eid al-Fitr |
Sa makabuwang kalendaryong Islamiko, pumapatak ang Eid al-Adha tuwing pang-10 araw ng buwan ng Dhu al-Hijjah, at nagtatagal ng apat na araw. Sa pandaigdigang kalendaryo (Gregoryano), nag-iiba-iba ang mga petsa sa bawat taon, umaaga ng halos 11 araw bawat taon.
Sa Apganistan, tinatawag ng mga Apgano ang Eid al-Adha bilang Eid-e-Qorban.[2]
Sa mga wika bukod sa Arabe, kadalasang isinasalinwika ang pangalan patungo sa lokal na wika, tulad ng Eid Qurban (Persa: عيد قربان), Qurban Bayrami (Aserbayano: Qurban Bayramı), Tafaska tameqrant (Mga wikang Berber: Amazigh), Feast of the Sacrifice sa Ingles, Opferfest sa Aleman, Offerfeest sa Olandes, Sărbătoarea Sacrificiului sa Rumano, at Áldozati ünnep sa Unggaro. Sa Kastila, kilala ito bilang Fiesta del Cordero[3] o Fiesta del Borrego (kapwa nangangahulugang "kapistahan ng kordero"). Sa Kurdo, kilala ito bilang (Cejna Qurbanê / جەژنی قوربان). Kilala rin ito bilang Kurban Bayramı[4][5] sa Turkiya, bilang কোরবানীর ঈদ sa Bangladesh, bilang عید الكبير "Ang Malaking Kapistahan" sa Magreb, bilang Iduladha, Hari Raya Aidiladha, Hari Raya Haji o Hari Raya Korban sa Brunei, Indonesia, Malaysia, Singapore at Pilipinas, bilang بکرا عید "Kambing Eid" o بڑی عید "Nadadakilang Eid" sa Indiya at Pakistan, bilang Bakara Eid sa Trinidad at Tobago, bilang 𞤔𞤓𞥅𞤂𞤁𞤉 𞤁𞤌𞤐𞤑𞤋𞤐 o Juulde Donkin sa wikang Fulfulde, bilang Tabaski o Tobaski sa Gambia, Guinea, at Senegal (pinakamalamang na hiniram mula sa wikang Serer – at isang sinaunang kapistahang relihiyoso ng mga Serer[6][7][8][9]), at bilang Odún Iléyá ayon sa mga Yorúbà ng Nigeria.[10][11][12][13]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.