Eid al-Fitr

From Wikipedia, the free encyclopedia

Eid al-Fitr
Remove ads

Ang Eid al-Fitr o Eid ul-Fitr (Arabo: عيد الفطر ‘Īdu l-Fiṭr),[2] kadalasang pinapaiksi bilang Eid ay isang kapistahang Muslim na palatandaan ng katapusan ng isang buwang-habang pag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang paglubog ng araw ng Ramadan. Itong relihiyosong Eid ang tanging araw sa buwan ng Shawwal kung kailan hindi pinapayagang mag-ayuno ang mga Muslim. Pabagu-bago ang petsa ng pagsimula ng anumang buwan ng Hijri batay sa kung kailan nakikita ang bagong buwan ng mga lokal na relihiyosong awtoridad, kaya nag-iiba-iba ang araw ng pagdiriwang sa bawat lokalidad.

Agarang impormasyon عيد الفطرEid al-Fitr (ʻĪd al-Fiṭr), Opisyal na pangalan ...

Ang Eid al-Fitr ay may tiyak na salat (Islamikong panalangin) na binubuo ng dalawang rakat (bahagi) na karaniwang isinasagawa sa malawak na parang o malaking bulwagan. Magagampanan lamang ito sa kongregasyon (jamāʿat) at nagtatampok ng anim na karagdagang Takbir (pagtaas ng mga kamay sa tainga habang sinasabi ang "Allāhu ʾAkbar", na nangangahulugang "Pinakadakila ang Diyos") sa paaralang Hanafi ng Sunismo: tatlo sa simula ng unang rakat at tatlo bago ang rukūʿ sa ikalawang rakat.[3] Kadalasan, ang mga ibang paaralan ng Sunni ay may labindalawang Takbir, na sa katulad na paraan, ay hinahati sa mga pangkat ng pito at lima. Sa Shiismo, ang salat ay may anim na Takbir sa unang rakat sa katapusan ng qira'a, bago ang rukūʿ, at lima sa ikalawang Takbir.[4] Depende sa madalubhasang pananaw ng lokalidad, itong salat ay alinman sa farḍ فرض (sapilitan), mustaḥabb مستحب (matinding inirerekomenda) o mandūb مندوب (mas kanais-nais).

Remove ads

Kasaysayan

Nagmula ang Eid al-Fitr kay Muhammad, ang Islamikong propeta. Ayon sa iilang mga tradisyon, sinimulan ang ganitong mga pagdiriwang sa Medina pagkatapos ng paglipat ni Muhammad mula sa Mecca. Nagsaysay si Anas, isang kilalang kasama ng Propeta na nang dumating ang Propeta sa Medina, natuklasan niya ang mga taong nagdiriwang ng dalawang tiyak na araw kung kailan naglilibang-libang sila. Dahil dito, sinabi ng Propeta na ang Makapangyarihan-sa-lahat ay nagtakda ng dalawang araw ng kasiyahan sa halip ng mga ito para sa inyo na mas mabuti pa: Eid al-Fitr at Eid al-Adha.[5]

Remove ads

Pangkalahatang ritwal

Kaugalian na nagsisimula ang Eid al-Fitr sa paglubog ng araw sa gabi ng unang pagkakita ng gasuklay na buwan. Kung hindi naobserbahan ang buwan kara-karaka pagkatapos ng ika-29 na araw ng nakaraang buwang lunar (dahil natatabingan ng mga ulap o masyado pang maliwanag ang kanulurang kalangitan pagkalubog ng buwan), ipagdiriwang ang pista sa susunod na araw.[6] Isa hanggang tatlong araw na ipinagdiriwang ang Eid al-Fitr, depende sa bansa.[7] Pinagbabawalang mag-ayuno sa Araw ng Eid, at hinirang ang isang tiyak na panalangin para sa araw na ito.[8] Bilang sapilitang pagkakawanggawa, binibigyan ng pera ang mga mahihirap at nangangailangan (Arabe: Zakat-ul-fitr) bago magdasal.[9]


Panalangin sa Eid at eidgah

Nagagampanan ang panalangin sa Eid sa kongregasyon sa mga bukas na lugar tulad ng mga parang, sentro ng pamayanan, o moske.[7] Walang panawagan upang magdasal para sa panalanging Eid na ito, at binubuo lamang ito ng dalawang bahagi ng dasal na may pabagu-bagong halaga ng mga Takbir at iba pang elemento ng panalangin depende sa sinusundang pangkat ng Islam. Ang panalangin sa Eid ay sinusundan ng sermon at pagkatapos isang pagsusumamo upang humingi ng tawad mula kay Allah, awa, kapayapaan at pagpapala para sa lahat ng mga nabubuhay sa buong mundo. Itinatagubilin din ng sermon sa mga Muslim ang pagsasagawa ng mga ritwal ng Eid tulad ng zakat.[10] Nagaganap ang sermon ng Eid pagkatapos ng panalangin sa Eid, di-katulad sa pagdarasal sa Biyernes na nauuna sa panalangin. Pinaniniwalaan ng ilang imam na opsyonal ang pakikinig sa sermon sa Eid.[11] Matapos manalangin, binibisita ng mga Muslim ang kani-kanilang mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala o nagdaraos ng mga malalaking pangkomunidad na pagdiriwang sa mga bahay, sentro ng pamayanan, o upahang bulwagan.[7]

Thumb
Maraming Muslim ang nagdadala ng mga alpombra sa Moske sa Eid al-Fitr.

Paraan sa Sunismo

Gaya ng idinikta sa ritwal, pinupuri ng mga Sunni si Allah sa malakas na tinig habang papunta sa pagpanalanginan ng Eid: Allāhu Akbar, Allāhu Akbar, Allāhu Akbar. Lā ilāha illà l-Lāh wal-Lāhu akbar, Allahu akbar walil-Lāhi l-ḥamd. Humihinto ang pagbigkas pagdating sa lugar o kapag sinimulan ng Imam ang mga aktibidad.[12]

Nagsisimula ang dasal sa paggawa ng "Niyyat" para sa dasal tapos sinasabi ang Takbir ng Imam at kanyang mga tagasunod. Pagkatapos ay binibigkas ang "Takbeer-e-Tehreema" na sinusundan ng Allahu Akbar nang tatlong beses, habang itinataas ang mga kamay sa tainga at ibinababa sa bawat pagkakataon, maliban sa huli kung kailan nakatiklop ang mga kamay. Pagkatapos, binabasa ng Imam ang Surah-e-Fatiha at iba pang Surah. Matapos nito, isinasagawa ng kongregasyon ang Ruku at Sujud tulad ng mga ibang panalangin. Kinukumpleto nito ang unang rakat. Nagsisitayo ang kongregasyon at nagtutuklop ng kani-kanilang kamay para sa ikalawang rakat kung kailan binibigkas ng Imam ang Surah Fatiha at isa pang Surah. Pagkatapos nito, binubulalas ang tatlong Takbir bago ang Ruku, tuwina'y itinataas ang mga kamay sa tainga at ibinababa. Sa ikaapat na beses, sinasabi ng kongresyon ang Allah o Akbar at sinusundan ng Ruku. Kinukumpleto ang natitirang bahagi ng panalangin sa karaniwang paraan. Kinukumpleto nito ang panalangin sa Eid. Matapos ang panalangin mayroong khutbah.[13]

Thumb
Eid al-Fitr, sa Iran (1984)

Paraan sa Shiismo

Nagsisimula ang panalangin sa Niyyat kasunod ng limang Takbir. Sa bawat Takbir ng unang rakat, binibigkas ang isang espesyal na Dua. Pagkatapos, binibigkas ng Imam ang Sūrat al-Fātiḥah at Surat Al-'A`lá at isinasagawa ng kongregasyon ang Ruku at Sujud tulad ng mga ibang panalangin. Sa ikalawang Rakat, inuulit ang mga nakaraang hakbang (limang Takbeer, Sūrat al-Fātiḥah at Surat Al-'A`lá, Ruku at Sujud). Matapos ang panalangin, nagsisimula ang Khutbah.[14]

Remove ads

Sa Kalendaryong Gregoryano

Kahit na laging pare-pareho ang petsa ng Eid al-Fitr sa kalendaryong Islamiko, mas maaga ang pagpatak ng petsa sa kalendaryong Gregoryano ng humigit-kumulang na 11 araw sa bawat kasunod na taon, dahil nakasalig sa buwan ang kalendaryong Islamiko at nakasalig sa araw ang kalendaryong Gregoryano. Kaya kung pumatak ang Eid sa unang sampung araw ng isang taon sa kalendaryong Gregoryano, magkakaroon ng ikalawang Eid sa huling sampung araw ng taong iyon sa kalendaryong Gregoryano, katulad ng nangyari noong 2000 CE. Maaaring mag-iba-iba ang petsang Gregoryano sa bawat bansa batay sa bisibilidad ng bagong buwan sa lokalidad. Sinusunod ng iilang dayuhang komunidad ng mga Muslim ang mga petsang itinakda sa kanilang inang bayan, habang sinusunod ng mga iba ang lokal na petsa ng kanilang bansa ng paninirahan.

Ipinapakita ng sumusunod na talahanayan ang mga hinulaang petsa at inanunsyong petsa batay sa mga pagkakita ng bagong buwan para sa Saudi Arabia.[1][15]

Karagdagang impormasyon Taong Islamiko, Hula ng Umm al-Qura ...
Remove ads

Galerya

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads