From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kabataan ni Hesus ay ang nakatalang panahon mula pagkakasilang at Kamusmusan ni Hesus[1] o ng Batang Hesus hanggang sa hindi nakatala ngunit pinaniniwalaang naging buhay ni Hesus pagkaraan ng kaniyang ikalabindalawang taong edad sa mundo bago umabot sa edad na tatlumpo.[2][3]
Mula sa pagkakaluwal kay Hesus sa isang sabsaban sa Betlehem (kilala rin bilang Belen) na kinakitaan ng pagdalaw ng Tatlong Haring Mago at ng Pagsamba ng mga Pastol, namuhay at lumaki si Hesus sa Nazaret.[2][3] Nabanggit sa Ebanghelyo ni Mateo, sa Mateo 13:55, na tumulong siya sa kanyang amang si Jose bilang isang karpintero o anluwage.[2][3] Bukod dito, pinaniniwalaan din na dumanas siya ng buhay na alinsunod sa mga nakaugaliang gawain ng isang kabataang lalaking Hudyo.[3] Bilang bahagi ng pananampalatayang Hudaismo, natutunan niyang sambitin ang Batas ni Moises.[2]
Nang labindalawang taong gulang na si Hesus, dinala siya ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang italaga sa Panginoong Diyos alinsunod sa Batas ni Moises at sa "Batas ng Panginoon" na nagsasabing "ang lahat ng batang lalaki ay itatalaga sa Panginoon."[1] Ito ang tinatawag na Ang Presentasyon sa Templo o Ang Paghahain (Paghahandog, Pagtatanghal o Pagtatalaga) kay Hesus sa Templo[4], isang tagpuan sa buhay ni Hesus na naging ikaapat na Misteryo sa Tuwa sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.[5] Naging paksa rin ito ng isang maikling kuwentong pambata na muling isinulat ni Walter Russell Bowie batay sa nakalahad sa Bagong Tipan ng Bibliya. Pinamagatan ni Bowie itong The Boy Jesus (o "Ang Batang Lalaking si Hesus").[2] Mayroon itong ganitong kabuuran:
Nang sumakabilang buhay si Jose, ginampanan niya ang tungkulin ng isang panganay na anak, na suportahan ang mag-anak na naiwan ng magulang na ama.[3] Katulad ng ama, naghanapbuhay siya bilang isang karpintero.[2] Bagaman hindi nagpapahiwatig ang Bagong Tipan ng Bibliya (partikular na ang salin na nasa Griyego at wala rin sa mga Ebanghelyo nina San Lucas, San Mateo, at San Marcos) na may mga kapatid si Hesus, ikinabit sa kanya ang taguring panganay bilang isang "marangal na taguri" na may kaugnayan sa Batas ni Moises (batas na matatagpuan sa Aklat ng Exodo sa Exodo 13:2 at Exodo 13:11) sa Lumang Tipan ng Bibliya.[1]
Ito ang pinaniniwalaang naging buhay ni Hesus, bagaman hindi kumpleto ang nakatalang salaysay mula sa mga Ebanghelyo ng Bagong Tipan ng Bibliya, partikular na ang ukol sa nawawala o hindi nababanggit na labingwalong taon ng kanyang buhay. Idinahilan na lamang ni San Juan Ebanghelista sa Ebanghelyo ni Juan na kung nasulat ang lahat ng ibang bagay-bagay sa buhay ni Hesus, maaaring hindi magkasyang lahat sa mundo ang mga aklat na maglalaman ng mga ito. Matatagpuan ito sa Juan 21:25. Maging ang "maingat na manunulat ng kasaysayan" o historyador na si San Lucas ay nilaktawan ang mga taon ng buhay ni Hesus sa pagitan ng mga edad na labindalawa at tatlumpo.[3] Nang muling lumitaw si Hesus, batay sa mga Ebanghelyo, mayroon nang tatlumpung taong gulang si Hesus, kung saan kabilang ang tagpuan nang binyagan siya ng nasa hustong gulang na ring si Juan Bautista sa Ilog Jordan.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.