Lan Xang
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kahariang Lao ng Lan Xang Hom Khao ( Lao: ລ້ານຊ້າງຮົ່ມຂາວ lān sāng hôm khāo, pronounced [lâːn sâːŋ hōm kʰǎːw] ; Ang "Milliong Elepante and mga Puting Parasol") [lower-alpha 1] ay umiral bilang isang pinag-isang kaharian mula 1353 hanggang 1707. [1] [2]
Sa loob ng tatlo at kalahating siglo, ang Lan Xang ay isa sa pinakamalaking kaharian sa Timog-silangang Asya . Ang kahulugan ng pangalan ng kaharian ay tumutukoy sa kapangyarihan ng paghahari at kakila-kilabot na makinang pangdigma ng sinaunang kaharian. [1] Ang kaharian ay ang pasimula para sa bansang Laos at ang batayan para sa pambansang historikal at kultural na pagkakakilanlan nito. [2] [1]