Laos
estado sa timog-silangang Ewrasya / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Laos (bigkas: /ˈlɑː.oʊs/, /ˈlaʊs/, or /ˈleɪ.ɒs/), opisyal na Demokratikong Republika ng mga Mamamayan ng Lao[7] o Demokratikong Republikang Bayan ng Lao[kailangan ng sanggunian] (Ingles: Lao People's Democratic Republic), ay isang bansa sa Timog silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang kanluran, sa Vietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog, at sa Thailand sa kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o "Lupain ng Milyong Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon hanggang ikalabingwalong siglo.
Demokratikong Republikang Bayan ng Laos | |
---|---|
Salawikain: ສັນຕິພາບ ເອກະລາດ ປະຊາທິປະໄຕ ເອກະພາບ ວັດທະນາຖາວອນ Santiphap Ekalat Paxathipatai Ekaphap Vatthanathavon "Kapayapaan, kasarinlan, demokrasya, pagkakaisa, at kasaganahan" | |
Awitin: ເພງຊາດລາວ Pheng Xat Lao "Himno ng Bayang Lao" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Vientiane |
Wikang opisyal | Lao |
Kinilalang pambansang wika | Pranses |
Mga wika | |
Pangkat-etniko (2005[1]) |
|
Relihiyon | Budismo |
Katawagan | Laotian Lao |
Pamahalaan | Marxista-Leninista single-party state |
• Pangulo | Thongloun Sisoulith |
• Punong Ministro | Phankham Viphavanh |
Lehislatura | Pambansang Kapulungan |
Formation | |
1354–1707 | |
• Luang Phrabang, Vientiane at Champasak | 1707–1778 |
• Vassal of Thonburi and Siam | 1778–893 |
• War of Succession | 1826–8 |
1893–1949 | |
• Kasarinlan mula Pransiya | 19 Hulyo 1949 |
• Nagpahayag ng Kasarinlan | 22 Oktubre 1953 |
• Laotian civil war | 9 Nobyembre 1953 – 2 Disyembre 1975 |
• Binuwag ang Monarikiyang Lao | 2 Disyembre 1975 |
Lawak | |
• Kabuuan | 236,800 km2 (91,400 mi kuw) (ika-84) |
• Katubigan (%) | 2 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2014 (Hulyo) | 6,803,699[2] (ika-104) |
• Senso ng 2005 | 5,621,000[3] |
• Densidad | 26.7/km2 (69.2/mi kuw) (ika-177) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2014 |
• Kabuuan | US$34.400 bilyon[4] |
• Bawat kapita | US$4,986[4] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2014 |
• Kabuuan | US$11.676 bilyon[4] |
• Bawat kapita | US$1,692[4] |
Gini (2008) | 36.7[5] katamtaman |
TKP (2013) | 0.569[6] katamtaman · ika-139 |
Salapi | Kip (LAK) |
Sona ng oras | ICT |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +856 |
Kodigo sa ISO 3166 | LA |
Internet TLD | .la |
|
Pagkatapos ng panahong ng pagiging protectorate o kolonya ng Pransiya, nakamtan nito ang kalayaan noong 1949. Isang mahabang digmaang sibil ang nagwakas nang ang makuha ng Kilusang Komunistang Pathet Lao ang kapangyarihan noong 1975, subalit ang protesta sa pagitan ng dalawang magkatunggaling paksiyon ay nagpatuloy parin sa mga sumunod na taon.