Proyeksiyong Mollweide
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang proyeksiyong Mollweide (sa Ingles: Mollweide projection) ay isang mapang proyeksiyon na may sinlaking sukat at pseudocylindrical na pangkalahatang ginagamit para sa pandaigdigang mapa ng mundo o sa gabing langit. Pinagpapalit ng proyeksiyon ang ganap na kawastuan ng anggulo at hugis para sa ganap na kawastuan ng proporsyon ng sukat, at sa ganitong paraan, nagagamit ito kung kailan kailangan ang mga katangian, katulad ng mga mapa na sinasalarwan ang mga pamamahaging pandaigdig.
Unang nailathala ang proyeksiyon ng matematiko at astronomong si Karl (o Carl) Brandan Mollweide (1774 ā 1825) ng Leipzig noong 1805. Pinabantog ito ni Jacques Babinet noong 1857 na pinangalang homalographic projection o proyeksiyong homalograpiko. Lumitaw ang baryasyong homograpiko mula sa madalas na paggamit nito sa atlas ng bituin noong ika-labing-siyam na siglo.[1]