Ang sauerkraut (Aleman: [ˈzaʊɐˌkʁaʊt]  ( pakinggan), lit. "maasim na repolyo"[1]) ay pinung-pino, hilaw na repolyo na pinaasim ng samu't saring lactic acid bacteria.[2][3] Maiimbak ito nang matagal, at mayroon itong kakaibang asim. Nakukuha ang mga katangian na ito mula sa nabubuong lactic acid tuwing pinapaasim ng mga bakterya ang asukal sa mga dahon ng repolyo.[4][5] Isa ito sa mga pinakakilang pambansang pagkain sa Alemanya.

Thumb
Sauerkraut mula sa Alemanya

Kabuuang ideya at kasaysayan

Thumb
Kapusta kiszona ng Polonya

Kahit ang "sauerkraut" ay salitang Aleman, hindi ito nagmula sa Alemanya. Inaangkin ng ilan na may mga nagpaasim na ng repolyo (suan cai) noong itinatayo ang Mahabang Muog ng Tsina. Malamang na idinala ito sa Europa mula sa Tsina ng mga Tartar.[6] Gayunpaman, binuro ng mga Romano ang repolyo, at mas malamang na sila ang pinaggalingan ng sauerkraut sa modernong panahon.[7] Nagkaugat ito sa mga lutuin ng Gitnang at Silanganing Europa, pero pati na rin sa mga ibang bansa tulad ng Olanda, kung saan kilala ito bilang zuurkool, at Pransiya, kung saan naging choucroute ang pangalan nito.[8] Magkahawig ang kahulugan ng mga pangalan sa Eslabo at ibang wika sa Gitnang at Silanganing Europa sa kahulugan sa wikang Aleman: "pinaasim na repolyo" (Albanes: lakër turshi, Aseri: kələm turşusu,[9] Biyeloruso: квашаная капуста, Tseko: kysané zelí, Litwano: rauginti kopūstai, Ruso: квашеная капуста, tr. kvašenaja kapusta, Turkısh: lahana turşusu, Rumano: varză murată, Persian: kalam torş, Ukranyo: квашена капуста) or "sour cabbage" (Bulgaro: кисело зеле, Estonyo: hapukapsas, Pinlandes: hapankaali, Hungaro: savanyúkáposzta, Leton: skābēti kāposti, Masedonyo: rасол / кисела зелка, Polako: kapusta kiszona, Ruso: кислая капуста, tr. kislaya kapusta, Eslobako: kyslá kapusta, Eslobeno: kislo zelje, Ukranyo: кисла капуста, kysla kapusta).[10]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.