Wikang Ruso
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang wikang Ruso (ru:русский язык , transliterasyon: Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral., IPA: [ˈruskʲɪj jɪˈzɨk]) ay isang Silangang Slavikong wika at isang opisyal na wika sa Rusya, Belarus, Kazakhstan, at Kyrgyzstan. Ito ay ginagamit nang madalas nga bansang naging dating kasapi ng Unyong Sobyet, katulad ng Ukraine at Moldova. Ito ay kabilang sa pamilya ng Mga Wikang Indo-Europeo. Ito ang pinakamalawak ang gamit na wika sa Eurasia, kung pagbabatayan ang lawak ng mga lupain kung saan ito ay ginagamit. Ito ang ikawalo sa pinakagamit na wika sa buong mundo, na may 144 milyong gumagamit nito sa Rusya, Ukraine, at Belarus bilang unang wika. Ito rin ang isa sa anim na opisyal na wika ng Mga Nagkakaisang Bansa.
Remove ads
Remove ads
Alpabeto
Ang wikang Ruso ay sinusulat gamit ang isang uri ng Alpabeting Siriliko na mayroong 33 letra.
А /a/ | Б /b/ | В /v/ | Г /ɡ/ | Д /d/ | Е /je/ | Ё /jo/ | Ж /ʐ/ | З /z/ | И /i/ | Й /j/ |
К /k/ | Л /l/ | М /m/ | Н /n/ | О /o/ | П /p/ | Р /r/ | С /s/ | Т /t/ | У /u/ | Ф /f/ |
Х /x/ | Ц /ts/ | Ч /tɕ/ | Ш /ʂ/ | Щ /ɕː/ | Ъ /-/ | Ы /ɨ/ | Ь /ʲ/ | Э /e/ | Ю /ju/ | Я /ja/ |
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads