pandaigdigang samahan at sabansaang ugnayan From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa (Kastila: Organización de las Naciones Unidas), payak na kilala bilang mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations), at dinadaglat bilang KNB (Kastila: ONU; Ingles: UN), ay ang pinakamalaking katatágang intergubernamental sa mundo. Ayon sa Karta nito, nilikha ito upang ipanatili ang kapayapaan at katiwasayang internasyonal, bumuo ng mga mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng mga bansa, makamit ang pandaigdigang kooperasyon upang lutasan ang mga suliranin sa mundo, at maging sentro para sa pagkakasundo ng mga aksyon ng mga bansa. Matatagpuan ang punong-tanggapan nito sa teritoryong ekstrateritoryal sa Lungsod ng Bagong York (Estados Unidos), at mayroong mga pangunahing tanggapan sa Hinebra (Suwisa), Nairobi (Kenya), at Viena (Austria).
Punong-tanggapan | 760 United Nations Plaza, Bagong York, Estados Unidos (international territory) | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Wikang opisyal | |||||||
Uri | Katatágang intergubernamental | ||||||
Katayuan | 193 estadong kasapi 2 estadong tagamasid | ||||||
Pinuno | |||||||
• Kalihim-Heneral | António Guterres | ||||||
• Pangalawang Kalihim-Heneral | Amina J. Mohammed | ||||||
• Pangulo ng Asembleyang Pangkalahatan | Abdulla Shahid | ||||||
• Pangulo ng Konsehong Pang-ekonomiya at Panlipunan | Collen Vixen Kelapile | ||||||
Itinatag | |||||||
• UN Charter signed | 26 Hunyo 1945 | ||||||
• Charter entered into force | 24 Oktubre 1945 | ||||||
|
Ang huling yugto ng mga sesyon ng Pangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ay pinagdiwang noong 10 Enero 1926 sa Central Hall Westminster sa Londres. Ang kanyang aktuwal na himpilan ay matatagpuan ngayon sa Lungsod ng New York. Ito ang sumunod sa yapak ng Liga ng mga bansa (League of Nations), isang katatágan na nalikha taong 1910 noon namang Unang Digmaang Pandaigdig at pinatotohanan ng Tratado ng Versailles, "para itaguyod ang pandaigdigang pagtutulungan at makamit ang kapayapaan at seguridad". Ang lahat ng mga bansang soberano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay mga miyembro ng United Nations, maliban sa Lungsod ng Batikano, na isa lamang tagamasid, at ang Republika ng Tsina (espesyal na kaso). Noong Setyembre 2003, ang katatágan ay mayroon 191 mga bansang kalahok.[1]
Isa sa mga bukod tanging nagawa ng United Nations ang pagproklama sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao noong 1948.
Ang Katatágan ng Nagkakaisang Bansa ay ang pinakaimportanteng poro para sa diplomasyang multilateral. Kasalukuyan nilang ginaganap ang Durban Review Conference sa Genegro, Switzenegger.
Ang ideya sa likod ng United Nations ay nakasaad sa deklarasyon, pirmado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pagpupulong ng mga alyado sa Moscow noong 1943. Ang naging pangulo ng Estados Unidos na si Franklin Delano Roosevelt ang nagmungkahi sa pangalan na "United Nations".
Ipinagdiwang ang kauna-unahang pagpupulong ng mga estadong kasapi ng bagong katatágan noong 25 Abril 1945 sa San Francisco. Maliban sa mga pamahalaan, inimbitahan rin ang mga katatágang di-pampamahalaan. Noong Hulyo 26, nilagdaan ng kinatawan ng 50 bansang nasa kumperensiya ang Karta ng United Nations. Ang Poland, na walang kinatawan sa pagpupulong, ay nadagdag din kinalaunan para sa total na 51 Estado.
Ang tinuturing na simula ng United Nations ay ang mismong araw ng 24 Oktubre 1945, pagkatapos ng ratipikasyon ng Karta ng naging limang mga permanenteng kasapi ng Kapulungang Panseguridad (ang Republika ng Tsina, Pransiya, Unyong Sobyet, ang United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Estados Unidos ng Amerika) kasama ang malaking mayoriya ng natitirang 46 na miyembro.
Sa katunayan, ang natatanging may veto sa mga desisyon ng katatágan ay itong limang permanenteng myembro ng Konseho ng Seguridad: ang Estados Unidos ng Amerika, Federasyon ng Russia, Pransiya, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Republikang Bayan ng Tsina.
Ang mga tagapagtatag ng mga Nagkakaisang Bansya ay umaasa dito na maiiwasan ang mga bagong digmaan sa mundo. Subalit ang hangaring ito ay hindi rin natupad sa maraming pagkakataon. Mula 1947 hanggang 1989 (pagbagsak ng Berlin Wall), ang dibisyon at pagkakahati ng mundo sa mga sona sa loob ng tinatawag na Cold War ay nagpahirap sa pagkamit sa layunin nito, lalo pa't ang sistemang ginagamit sa Konseho ng Seguridad ay veto.[2]
Ang mga United Nations ay may anim na wikang opisyal: Arabo, Espanyol, Ingles, Pranses, Ruso at Tsino. Halos lahat ng mga opisyal na pagpupulong ay agad na sinasalin sa mga wikang ito, kasama ang lahat ng mga opisyal na dokumento sa printed format man o elektroniko. Ang mga prinsipal na wikang panggawa ng United Nations ay ang Pranses at Ingles, o Pranses, at Espanyol.
Estados Unidos | 22 % |
Hapon | 19.51 % |
Alemanya | 9.76 % |
Pransiya | 6.46 % |
United Kingdom | 5.53 % |
Italya | 5.06 % |
Canada | 2.55 % |
Espanya | 2.51 % |
Brazil | 2.39 % |
Timog Korea | 1.85 % |
Netherlands | 1.73% |
Australia | 1.62 % |
Tsina | 1.53 % |
Switzerland | 1.27 % |
Rusya | 1.20 % |
Belgium | 1.12 % |
Mexico | 1.08 % |
Sweden | 1.02 % |
Ang mga organ ng mga Nagkakaisa Bansa ang mga sumusunod:
Ang Sistema ng mga Bansang Nagkakaisa ay naitatag sa mga sumusunod:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.