Abucay
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Bataan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Bayan ng Abucay ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Bataan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 44,846 sa may 10,522 na kabahayan. Dito matatagpuan ang natural na talon ng Pasukulan at ang kilalang Bukal ng Sibul.
Sa hilaga ng Abucay matatagpuan ang Barangay ng Mabatang, and pinakamaunlad na barangay sa Abucay. Nakapaligid naman sa gitnang bahagi ng Abucay ang Calaylayan sa hilaga, Wawa at Omboy sa Silangan at Gabon at Laon sa Kanluran. Sa timog bahagi ng bayan matatagpuan ang Capitangan.
Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing industriya sa Abucay. Nasa barangay ng Wawa ang pangkalakalan (commercial) na bahagi ng Abucay kung saan karamihan ng mga tindahan at palengke ay matatagpuan. Wawa lati ang dulo ng Barangay Wawa kung saan karamihan ng mga mangingisda ay lumulusong sa tubigan o dumadako sa laot ng Look ng Maynila para mangisda.
Sa Barangay Mabatang matatagpuan ang pinakamatitiyaga at pinakamahusay na Abukeňos. Dito matatagpuan ang mga produktong gawa sa kamay tulad ng mga bag yari sa abaka, pamaypay, walis at marami pang iba.
Remove ads
Mga Barangay
Ang bayan ng Abucay ay nahahati sa 9 na mga barangay.
- Bangkal
- Calaylayan (Pob.)
- Capitangan
- Gabon
- Kabukiran
- Laon (Pob.)
- Mabatang
- Omboy
- Salian
- Wawa (Pob.)
Demograpiko
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads