Agosto
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Agosto ay ang ikawalong buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. May haba itong 31 araw.[1]
1 | 2 | |||||
3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 |
10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 |
17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |
24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 |
31 |

Sa Timog Emisperyo, ang Agosto ay ang kapanahunang katumbas ng Pebrero sa Hilagang Emisperyo. Sa Hilagang Emisperyo, pumapatak ang Agosto sa kapanahunang tag-init. Pumapatak naman sa Timog Emisperyo ang Agosto tuwing kapanahunang tag-niyebe. Sa maraming bansa sa Europa ang Agosto ay pistang buwan para sa karamihan ng mga manggagawa. Maraming pistang panrelihiyon ang nagaganap tuwing Agosto noong sinaunang Roma.[2]
Nangyayari ang ilan pag-ulan ng bulalakaw sa Agosto. Tuwing Agosto ang Kappa Cygnids, na iba't iba ang petsa kada taon. Tuwing maagang Hulyo hanggang mga Agosto 10 ang pag-ulan ng bulalakaw na Alpha Capricornids, at nagaganap ang Katimugang Delta Aquariids mula sa kalagitanaan ng Hulyo hanggang kalagitnaan ng Agosto, na may mga araw ng tugatog na nagbabago taon-taon. Napakainam na pagmasdan ang kumpol na bituin na Messier 30 tuwing Agosto.
Sa mga aborihen ng Kapuluang Canarias, lalo na sa Guanches ng Tenerife, natanggap ng buwan ng Agosto sa pangalan ng Beñesmer o Beñesmen, na pistang pag-aani din tuwing Agosto.[3][4]
Orihinal na ipinangalan ang buwan bilang Sextilis sa Latin dahil ito ang ika-6 na buwan sa orihinal na sampuhang-buwan ng kalendaryong Romano sa ilalim ni Romulo noong 753 BC, na Marso ang unang buwan ng taon. Noong mga 700 BC, ito ang naging ikawalong buwan nang naidagdag ang Enero at Pebrero sa taon bago ang Marso ni Haring Numa Pompilio, na binigyan din ng 29 araw. Dinagdag ni Julio Cesar ang dalawang araw nang nilikha niya ang kalendaryong Huliyano noong 46 BC (AUC 708), na binigyan ito ang makabagong 31 araw na haba.
Noong 8 BC, pinalitan ang pangalan ng buwan bilang parangal kay Emperador Augusto.[5] Sang-ayon sa Senado konsulto na binanggit ni Macrobio, pinili niya ang buwan na ito dahil sa panahon ito naganap ang ilang niyang dakilang tagumpay, kabilang pananakop ng Ehipto.[6] Sinasabi ng karaniwang inuulilt na alamat na mayroong 31 araw ang Agosto dahil nais ni Augusto na tumbasan ang kanyang buwan sa haba ng Hulyo ni Julio Cesar, subalit imbento lamang ito noong ika-13 dantaon na iskolar na si Johannes de Sacrobosco. Sa katunayan, mayroon nang 31 araw ang Sextilis bago pa man napalitan ang pangalan nito, at hindi ito pinili dahil sa haba nito.[7][8]
Remove ads
Mga simbolo



Ang mga birthstone o batong-kapanganakan ng Agosto ay peridoto, sardonise, at espinela.[9] Ang bulaklak-kapanganakan nito ay gladiyolus o amapola, na nangunguhulugang ganda, tibay ng karakter, pag-ibig, kasal at pamilya.[10] Ang simbolong sodyak ng Kanluran signs are Leo (hanggang Agosto 22) at Virgo (mula Agosto 23 pataas).[11][12]
Remove ads
Mga pagdiriwang
Buong buwan
- Buwan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas.
Nailipipat
Ikalawang Lunes
- Araw ng mga Bayani (Zimbabwe)
- Araw ng Tagumpay (Victory Day, Hawaii at Pulong Rhode, Estados Unidos)
Huling Lunes
- Araw ng mga Ama (Timog Sudan)
- Pambansang Araw ng mga Bayani (Pilipinas)[13]
- Araw ng Liberasyon (Hong Kong)
Nakapirmi
- Agosto 1
- Araw ng Sandatahang Lakas (Tsina)
- Agosto 6
- Pista ng Transpigurasyon
- Agosto 8
- Araw ng mga Ama (Taiwan)
- Agosto 9
- Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo sa Mundo (Mga Nagkakaisang Bansa)
- Pambansang Araw (Singapore)
- Pambansang Araw ng Kababaihan (Timog Aprika)
- Agosto 11
- Agosto 12
- Pandaigdigang Araw ng Kabataan (Mga Nagkakaisang Bansa)
- Agosto 13
- Araw ng Kalayaan (Republika ng Gitnang Aprika)
- Araw ng Kababaihan (Tunisia)
- Agosto 15
- Kapistahan ng Pag-akyat ni Maria sa Langit (banal na araw ng pangilin sa Katoliko, isang publikong pista sa maraming bansa)
- Kapistahan ng Dormisyon ng Ina ng Diyos (Simbahang Ortodokso ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, at Simbahang Katoliko ng Silangan)
- Unang araw ng Pagbabaha ng Nilo, o Wafaa El-Nil (Ehipto at Simbahang Coptiko)
- Agosto 17
- Ang Kaarawan ni Marcus Garvey (Rastafari)
- Agosto 18
- Agosto 19
- Pista ng Transpigurasyon (kalendaryong Huliyano)
- Pandaigdigang Humanitaryong Araw
- Agosto 21
- Araw ni Ninoy Aquino (Pilipinas)
- Agosto 28
- Pag-akya ni Maria (Simbahang Ortodokso ng Silangan, isang publikong pista sa Hilagang Masedonya, Serbya at Heorhiya)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads