Almendras
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang almendras[1] o almendro[2] (Ingles: almond tree, almond nut, almond, o cork nut; Kastila: almendra) ay isang uri ng bungang mani at puno nito. Bagaman tinatawag din itong pili, ang tunay na punong pili ay ang punong Canarium ovatum[1] Prunus dulcis ang pangalang pang-agham nito, ngunit may iba itong mga pangalang siyentipiko o kasingkahulugan: Prunus amygdalus Batsch., Amygdalus communis L., Amygdalus dulcis Mill.). Isang uri ng Prunus ang almendras at kabilang sa subpamilyang Prunoideae ng pamilyang Rosaceae; sa loob ng Prunus, ibinibilang ito sa mga walnut sa subsaring Amygdalus, na maipagkakaiba mula sa iba pang mga subsari (subhenero) sa pamamagitan ng mga kulubot sa balat ng mga buto nito. Almendro (almond) din ang tawag sa buto ng punong ito. Sa larangan ng botaniya, hindi ito itinuturing na isang tunay na mani, bagaman laging natatawag na mani sa karaniwang usapan.
- Para sa iba pang halamang almendro, tingnan ang almendro (paglilinaw).
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads