Altes Museum
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Altes Museum (Tagalog: Lumang Museo) ay isang nakatalang gusali sa Pulo ng mga Museo sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin at bahagi ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Itinayo mula 1825 hanggang 1830 sa pamamagitan ng utos ni Haring Federico Guillermo III ng Prusya ayon sa mga plano ni Karl Friedrich Schinkel, ito ay itinuturing na isang pangunahing obrang Aleman na arkitekturang Neoklasiko.[1] Napapaligiran ito ng Katedral ng Berlin sa silangan, ng Palasyo ng Berlin sa timog, at ng Zeughaus sa kanluran. Sa kasalukuyan, ang Altes Museum ay tahanan ng Antikensammlung at mga bahagi ng Münzkabinett.[2]
Remove ads
Pagpaplano at lokasyon
Noong unang bahagi ng ikalabinsiyam na siglo, ang burgesya ng Alemanya ay naging mas may kamalayan sa sarili at tiwala sa sarili. Ang lumalagong uring ito ay nagsimulang yakapin ang mga bagong ideya hinggil sa kaugnayan sa pagitan ng sarili nito at ng sining, at ang mga konsepto na ang sining ay dapat na bukas sa publiko at ang mga mamamayan ay dapat magkaroon ng puntahan sa isang komprehensibong kultural na edukasyon ay nagsimulang lumaganap sa lipunan. Si Haring Friedrich Wilhelm III ng Prusya ay isang malakas na tagapagtaguyod ng kaisipang humboldt na ito para sa edukasyon at isinugo si Karl Friedrich Schinkel sa pagpaplano ng pampublikong museo para sa koleksiyon ng sining ng hari.
Remove ads
Mga talababa
Karagdagang pagbabasa
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads

