Anay

From Wikipedia, the free encyclopedia

Anay
Remove ads

Ang anay (Ingles: termite) ay mga insektong eusosyal na inuuri sa taksonomikong ranggo ng impraorden na Isoptera o sa alternatibo bilang epipamilyang Termitoidae sa loob ng orden na Blattodea kasama ng mga ipis. Ang mga anay ay minsang inuri bilang hiwalay na orden mula sa ipis ngunit ang kamakailang mga pag-aaral na pilohenetiko ay nagpapakitang sila ay nag-ebolb mula sa mga ipis dahil sila ay malalim na nakapaloob sa loob ng pangkat na ito at kapatid na pangkat ng mga ipis na kumakain ng kahoy ng genus na Cryptocercus. Ang mga nakaraang pagtatantiya ay nagmungkahi na ang paghihiwalay mula sa ipis ay nangyari sa panahong Hurasiko o Triasiko. Ang mga mas kamakailang pag-aaral ay nagmumungkahing sila ay lumitaw noong panahong Hurasiko at ang mga unang record ng fossil ay noong maagang Kretaseyoso. Ang mga 3,100 espesye ay kasalukuyang inilarawa at may ilang daang hindi pa nailalarawan. Bagaman ang mga ito ay minsang tinatawag na "puting langgam", ang mga anay ay hindi mga langgam. Ang mga anay ay kumakain ng mga patay na materyal ng halaman, cellulose, mga kahoy o dumi ng hayop.

Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham, Families ...
Thumb
Mga anay na may pakpak. Ang mga lumilipad na mga anay ay may kakakayahang makipagtalik at gumawa ng bagong kolonya.
Thumb
Bahay ng anay sa lupa.
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads